Broken Boundaries

2062 Words

Madilim pa ang langit nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng maliit na bahay nina Piper. Halos wala pang ingay sa paligid ng La Huerta Estate. Ang hangin ay malamig at may bahagyang hamog na nakababa sa damuhan. Maingat na lumabas si Piper, hindi man lang siya lumingon pabalik sa loob, Diretso siyang lumabas na parang magnanakaw na maingat ang kilos. Alam niyang kapag lumingon siya… baka hindi niya kayanin ang makikita niya. Sa loob ng kwarto niya, naroon pa si Jeric. Mahimbing na natutulog sa kama niya. Nakahiga na parang siya ang may-ari ng kama. Napahigpit ang hawak ni Piper sa pintuan bago niya tuluyang isinara iyon. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa pagod. Kundi dahil sa kahihiyan. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jeric kapag nagising ito. Lalo na pagkatapos ng na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD