"Piper.” Sabay silang napalingon sa bagong dating. Si Jestoni, parang na-starstruck pa ito sa ganda ni Piper. “Kantahan mo rin ’yan,” bulong ni Jeric. “Hindi na ’yan tatakbong mayor sa susunod na taon kapag narinig ka. Ma-tra-trauma sa boses mo.” Natatawang hinamapas ni Piper sa braso si Jeric na hindi na maka move on. Nakatayo ito sa gilid nila, nakasuot ng polo at slacks na halatang kakagaling lang sa kung saan dahil naka barong pa ito at masyadong formal. Ngunit ang unang reaksyon nito nang makita si Piper ay hindi agad nakapagsalita, napahinto ito at literal na napatitig parang bigla itong natigilan. “Huy Jess?” tawag ni Piper na sinundot pa ito sa braso, parang doon lang natauhan si Jestoni. “Wow.” Napakunot ang noo ni Piper. “Ano naman yun?” Umiling si Jestoni habang napapang

