After mag pakita ng ID sa mayordoma ng manor, agad na din siyang pinasok dahil unang araw palang na itimbre na siya ni Jeric sa manor na dapat dun siya tutuloy pagdating niya sa La Huerta ngunit mas pinili niya sa luma nilang bahay kahit total stranger ang tingin sa kanya ng tatay niya, mas okay na din yun kesa mabigla ito na ang anak nitong lalaki ay babae na din tulad ni Piper. Saka na siya aamin kapag naipakulong na niya si Kervin at kapag sapat na ang mga ebidensya na hawak niya. Agad na siyang dumeretso ng pasok, sobrang tahimik ang buong manor. Halatang kontrolado ni Jeric ang lahat kahit wala ito, disiplinado ang bawat tao na naroon katulad ng taong may-ari ng mansion na yun. Si Jeric na sapol pagkabata nila kilala na niya at nakakaihiya man aminin pero nag kagusto din talaga siy

