"Pssst! Hindi ba talaga puwede na umuwi muna ako? Meron pa naman ako 2 weeks para sa 7 months diba?" "Kulit mo, hindi na nga puwede." ani Jeric habang nag-lilipit ng mga kinainan niya ng breakfast sa maliit na lababo ng VIP room niya sa hospital. "Pero ayoko na kasi dito." "Magtiis ka muna ilang weeks nalang naman ilalabas mo na ang baby natin, makakauwi na din tayo." napasimangot naman si Piper, kahapon pa siya nakikiusap na baka puwede na umuwi na lang sila then balik nalang kapag 7 months na ang tiyan niya. Wala naman na siyang IV fluid talagang naka bed rest nalang siya at nag-uundergo na ng ilang physical therapist para maayos na niyang maigalaw ang mga binti at mga braso niya na so far maayos na niyang na imo-move di tulad ng una na parang ang hirap-hirap gumalaw. Nakahiga siy

