Papadilim na ang langit nang maglakad si Bia sa malawak na daanan papunta sa La Huerta Manor. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga kuliglig at ang mahina na pagaspas ng hangin sa mga puno sa labas ang maririnig. Kanina pa siya sa labas at hinihintay niya si Jeric na umuwi pero magdidilim na wala pa si Jeric, kaya nag decide na siyang bumalik na sa Manor. Mahina ang hakbang niya parang may iniisip. Panay ang lingon niya sa likuran sa pag-asang makikita si Stardust na paparating sakay si Jeric pero kahit yabag ni Stardust wala. Tahimik masyado ang paligid, walang senyales na pauwi si Jeric. Karaniwan sa ganitong oras ay naririnig na niya ang yabag ng kabayo ni Jeric, o kaya naman ay ang boses nito na nagbibigay ng utos sa mga tauhan sa radio. Pero ngayon, wala. Habang papalapit siya sa

