Pagpasok nila Piper at Tita Lorie sa loob ng simbahan, agad silang sinalubong ng malamig na hangin mula sa malalaking electric fan na umiikot sa kisame. Ang sikat ng umaga ay dumadaan sa makukulay na stained glass windows, nagbubuhos ng iba’t ibang kulay ng liwanag sa sahig ng simbahan. Tahimik ang karamihan ng bisita na nasa loob ng simbahan, pero may mahihinang usapan at halakhakan mula sa mga dumadating na bisita. Na upo sila sa bandang gitna na sakto lang ang layo sa altar. “Ay perfect!” bulong ni Tita Lorie habang inayos ang bohemian skirt niya bago umupo. “Maganda ang pwesto natin. Kita ko lahat.” “Hindi naman concert ito, Tita,” bulong ni Piper habang inaayos ang buhok at bangs niya. “Concert ng buhay mo ito, anak.” “Ayan nanaman tayo e, tumigil ka na Tita, gisang-gisa na ako

