Lines That Don’t Match

1549 Words

Naiwan na nakatayo si Bia sa gitna ng sala. Tahimik ang buong manor nang makaalis ang sasakyan nina Jeric at Viper. Pakiramdam ni Bia kahit anong laki ng sala mas sumikip at nawalan ng hangin ang paligid. Napahawak siya sa gilid ng sofa kung saan siya bahagyang napasandal kanina. Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. “Okay lang ako, mali lang ang iniisip ko.” bulong niya sa sarili pero hindi iyon totoo. Dahan-dahan siyang humakbang at umakyat sa itaas. Pumasok sa kuwarto ni Jeric na ilang araw na niyang tinutuluyan mula nang dumating siya galing US. Isinara niya ang pinto saka siya umupo sa gilid ng kama. Sobrang tahimik ang buong silid, tanging tunog lang ng sariling paghinga niya ang maririnig. Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng dress niya. Binuksan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD