Kababa lang ni Piper ng phone niya, katatapos lang niyang makipag-usap sa tatay niya. Hindi na siya naka punta ng hospital kanina kaya tumawag nalang siya. Sumama kasi pakiramdam niya kanina after nilang mag meriend sa kapehan, pakiramdam niya hindi siya matunawan. Kanina pa nasakit ang tiyan niya sa kinain na nilagang kamote. Pakiramdam niya ang daming hangin ng tiyan niya. Gusto niyang sumuka pero wala naman na labas, gumaan lang ang pakiramdam niya ng dukutin na niya ang bibig niya at napasuka na. Inutusan siya ng ama na mag tapal daw siya ng tubang silangan sa tiyan, kaya ginawa naman niya kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Panay ang hingi ng patawad ng ama niya dahil na hihirapan na siya sa buhay, na kinailangan niyang danasin ang hirap ng mag-isa. Sana daw pala pinayaga

