Pagmulat pa lang ng mata ni Piper na pangiwi na agad siya, parang may mabibigat na batong nakapatong sa buong katawan niya. Masakit ang likod, naninigas ang mga hita, at kahit simpleng pag-ikot ng balikat ay may kasamang kirot. Apat na araw pa lang siya sa hacienda pero pakiramdam niya apat buwan na siyang pinaparusahan. Hindi na siya nagpumilit na bumangot ang utos naman kagabi ni Jeric pag hindi niya kayang pumasok wag niyang pilitin. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jhello na nasa ospital. “Hello?” sagot agad ng pinsan niya. "Kuya Jhello." bati naman niya sa mahinang tinig. “Kumusta si Tay?” paos niyang tanong. “Okay naman. Stable na, sabi ng doktor kapag nag tuloy-tuloy na gumanda ang status niya puwede na siyang ilipat ulit sa isang private room. Nailipat na kasi ito ng

