[Pang-anim Na Tabas4.2] Hindi ko talaga masabi kong anong kaganapan ang naganap sa stage. Kung iyon ba ay Act lang o katotohanan? Mga bayarang artista lang ba sila para magprisenta ng isang napakahalay na opening production? Sinundan ko pa ng tingin ang mga nagperform hanggang sa maka-baba sila. Maraming mga gustong mahawakan sila. Lumabas sila sa nag-iisang kulay pulang pinto sa kabilang ikot mula sa kipupwestuhan namin. Ilang saglit lang ay may umakyat na lalaki sa stage. May hawak na mikropono. "Whoa! What an opening number? Akala ko ba aircon dito? Bakit parang halos lahat ata pinagpapawisan? Hahaha!" basta ganun ang bungad nya—siya yung host. Nakalimutan ko na yung pangalan nya, hindi ko na rin matandaan kung nagpakilala ba siya o hindi. Madami pa syang sinabi. Nagkwento pa tungkol

