[Unang Tabas - 3] NAGTUNGO kaming dalawa ni Eron sa Pool. Nakapatay na ang mga ilaw pero maliwanag naman dahil bilog na bilog ang buwan, madameng aswang na naglilipana sa Cavite kapag bilugan ang buwan. Mga mang-aagaw ng lakas, at ang malupit dun, ang sarap sarap sa pakiramdam ng inaagawan ng lakas. Nakakarelax, nakaka-refresh at nakakabata. Bago kami tumalon sa tubig, para kaming mga bata na nag-alis ng saplot sa katawan at sabay talon. Tang-ina! Para akong tumalon sa tubig na galing sa North Pole. Sobrang lamig, sumisiid hanggang sa bone narrow. Gusto ko na nga kagad umahon at bumalik ng kwarto, magjacket at magtalukbong na kagad dahil grabe ang lamig. Inahon kagad namin ni Eron ang ulo namin mula sa tubig. 10 feet ang lalim ng tubig pero kitang-kita parin ang kabuoan namin dalawa dah

