[Pang-anim Na Tabas - 2.2] Kinabahan ba kayo pards? Ako kasi hindi talaga. Walang pumapasok sa isipan ko. Kasi ng mga sandaling iyon—gusto ko ng makauwi talaga. Expected din kasi nila lola ang pag-uwi ko. Kaya, iyon na nga—parang tangang nakatayo pa si Magno sa pintuan ng quarter ko. Nakahawak parin sa mga palad ko si Apple. Nakita kong may tumulong luha sa kaniyang mga mata. "Mag-iintay nalang ako sa labas." Sabi ni Magno. Yung parang tanga lang na—magpapakita tapos aalis din pala. Pero, mas mabuti nayun. Para kasing may kinatatakutan si Apple kay Magno nang mga sandaling iyon. "May ginawa bang hindi maganda sayo yung Magno nayun? Tinatakot ka ba nya? Sabihin mo lang, uupakan ko yun." Sabi ko kay Apple. Hindi ako talaga sanay na umiiyak si Apple, sa harapan ko pa mismo. Kasi nga—masay

