[Panglimang Tabas - 2] "HWAG, nagbibiro lang ako Irene, mahal na din talaga kita pero pwede bang ilihim nalang muna natin ang relasyon natin?" bigla nyang hininto ang sasakyan, buti naka-seat belt ako dahil kung hindi, lilipad talaga ako palabas ng sasakyan. Hindi bukal sa loob ko yung binitawan kong yun, akala ko nga hindi maniniwala si Irene, pero ang sabi nya... "Sabi ko na nga ba at mahal mo rin talaga ako, nauunawaan kita kung gusto mong ilihim muna natin ang relasyon natin Amos." napatingin ako sa kanya, para syang baliw at ang saya-saya, samantalang ako, di talaga ako makatingin ng diretcho sakanya. Inisip ko kasi, kung magsusumbong si Irene. Dalawa ang pwedeng mangyari, kakasuhan ako ng rape,ipapakulong at kamumuhian ako ni Eron at ng lahat o kaya naman...ipapakasal ako kay

