[ Panglimang Tabas - 4.3 ] Nang matapos ang gabing iyon bumalik na kami sa Hotel. Pero wala ng s*x na naganap mga pagod na kasi. Sa elevator pa nga lang gusto na nilang magsipagtulog eh. Hehe! Pero nakarating naman kami sa Hotel Room mga 4 AM. Nagsipaghigaan na silang lahat. Maliban sa akin, Felix at Ratbu. "Pards. Kaya mo pa ba? Uwi na tayo sa Mansyon. Papalitan ko pa tubig ng Pool niyo eh." Sabi ko kay Felix. Napatingin sila sa akin. Nakaupo ako sa dulo ng kama. Si Ratbu nakahiga na. Si Felix naman nakaupo at nakasandal sa Wall. "Matulog ka muna pards. Ako ng bahala sayo pag-uwi natin mamaya." sabi ni Felix. "Hindi na naman ako inaantok. At nawala ang amatz ko sa huling laro eh." Sabi ko. Ah basta, pinilit-pilit ko si Felix. Alam nyo kung paano ko siya napilit? Noong tumayo si Ratbu

