FOURTEEN

2201 Words

Matamlay na tiningnan ni Pursue ang mga pagkain sa hapag na pinaghirapan niyang lutuin para sana sa kanilang dalawa ni Trail. Sinabi kasi nitong uuwi ito kaagad kaya naman naisipan niyang magluto na ng hapunan. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader ng kusina. Alas-nuwebe ng gabi ang isinasaad na oras niyon. Ilang oras na niyang hinihintay ang binata at hanggang ngayon ay hindi pa din ito bumabalik mula noong umalis ito bago magkatanghalian. Lumamig na din ang pagkain at ang sinabi nitong 'I'll be back before dinner' ay hindi na nangyari' kaya naman nagsisimula na siyang mag-alala. Mukhang malala ang emergency na inaasikaso nito. Sana naman, walang masamang nangyari sa Hotel Buenavista. Piping usal niya. Napabuntong-hininga na lamang siya. Pakiramdam niya ay nami-miss na niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD