"You look beautiful, Baby," puri sa kaniya ni Kazimir kahit nakasuot lang naman siya ng simpleng dress. Ngayong araw kasi ang reunion ng pamilya nila. Taon-taon ay may ganitong pakulo ang daddy niya. Ito kasi ang nakaisip na magkaroon sila ng family reunion kahit pa nga mukhang hindi naman bukal iyon sa loob ng iba nitong kapatid. Kaya lang naman sinusunod ng mga ito ang daddy niya dahil ang daddy ang pinakamayaman sa mga magkakapatid. Sina Kaizer at Kazimir ay pareho ang suot. Parehong naka-white polo shirt at maong na pantalon, pati style at kulay ng sapatos ay magkapareho rin. Siya lang talaga ang naiiba sa kanilang tatlo. "Shall we?" Tumango siya. Habang naglalakad sila palabas ay nakaakbay sa kaniya si Kazimir habang siya naman ay nakayakap sa baywang nito. Pagdating nila sa

