Lourdes' POV Isa akong taong may takot sa Diyos... noong una. Madasalin at hindi pumapalya sa pagpunta sa maliit na kapilyang naroroon sa aming isla. Palagi akong lumalapit sa kaniya upang humiling na makatagpo ako ng lalaking iibig sa akin at magkaroon ng isang masayang pamilya. At sa halos walang palyang pakikipag-ugnayan sa Poong Maykapal ay nakilala ko si Ernan. Tumibok ang aking puso sa kaniya at hindi naglaon ay naging kami. Sa madaling salita naging kasintahan niya ako. Ramdam ko ang pagmamahal ni Ernan sa akin kahit siya ay isang maralitang binata lamang. Hindi iyon naginh hadlang sa aming pag-iibigan. Bagkus ay naging matatag pa kami sa isa't isa. Dalawang taon ang lumipas ay nabuntis ako at masayang-masaya kami ni Ernan dahil magiging magulang na kami. At ang biyayang iyon

