(Primotivo's POV) Naalimpungatan ako, sa pagtunog ng aking cellphone. Dinampot ko ito. "Hello?" sagot ko without looking who it was. "f**k! Ang sakit ng ulo ko..." bulalas ko sa aking isipan. ["Primo, have you seen the news?"] Napakunot-noo ako sa naging pagbungad ng nasa kabilang linya sa akin... it's Atty. Philip Aragon. "What news?" balik-tanong ko sa kaniya sabay bangon. Doon ko lang din napagtantong sa sofa ako sa sala nakatulog. At nakakalat ang mga bote ng alak sa sahig. Damn it! Oo nga pala, my wife is gone missing since last night. Potangina, para akong mababaliw kakahanap sa kaniya kagabi hanggang kaninang madaling araw, but no luck! Where could she ever be? Nakapatay ang cellphone nito. Pero alam kong dala-dala niya ang sasakyan ko, kaya pina-track ko na ito sa Toyota.

