(Avianna's POV) "Kaninong bahay ito? At nasa isla pa ba tayo?" Pagbungad ko kaagad na tanong kay Primo nang makalabas ito sa banyo. "Pwedeng magbihis muna ako, wifey?" Pag-iling kaagad ang naging tugon ko sa kaniya. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya, dahil kakatapos niya lamang maligo. Kaya malaya kong natititigan ang mala-adonis niyang pangangatawan. Ang sarap niya talaga, ay s**t! Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. "S-sagutin mo muna ako," sambit ko pa. Nakita ko naman ang pagngisi nito at pagkislap ng kaniyang asul na mga mata habang papalapit sa gawi ko. "Gusto mo lang atang pagmasdan ang katawan ko, wifey! Ikaw ha," pang-aasar na tugon nito. "H-hindi ah! Ang kapal mo, hindi ka naman masarap!" sambit ko sabay irap sa k

