(Avianna's POV) Pagkarinig ko ng click na nagpapahiwatig nang pagkaka-unlock ng pintuan ng sasakyan niya ay mabilis ko itong binuksan at tumakbo palabas ng runway ng airport, pero napatigil ako nang biglang may humarang na mga lalaki sa aking daraanan. Tinignan ko sila isa-isa, at aba andoon din itong si Atty. Philip! Minasamaan ko siya ng tingin, pero ngumiti lang siya sa akin. "Get off my way..." iritang sambit ko sa kaniya, sa kanila. Pero ngumisi lang ang isa, at umiling pa sabay nguso na parang may tinuturo sa aking likuran kaya napalingon ako. Damn it, si Primo! Patakbo itong papunta sa aking gawi kaya nagpapatintero na ako sa mga lalaking ito na hinaharangan ang daraanan ko. Para tuloy kaming nasa isang action movie na pinagkakaisahan nila akong mahuli. "Pwede ba! Atty, tell y

