(Avianna's POV) ["Hello, Avi?"] Kaagad na pagbungad sa akin ni Hope na nasa kabilang linya, pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag nito. "Yes, Hope?" ["May dumating na mail..."] Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Hope, dahil sigurado akong ang dokumento itong iniwan ko sa condo ng kapatid ni Primo nang magkaharap kaming muli, tatlong araw na ang nakakalipas. Kung saan umalis na lamang akong walang imik nang maiayos ko ang aking sarili, dahil kahit ano pang sambitin ko ay sarado na ang pag-iisip ni Primo para sa mga paliwanag ko. Kumbaga it's too late na para sa mga ito, huli na para sabihin ko ang totoo dahil hindi na siya maniniwala pa sa akin. "Open it." Napahawak ako sa aking dibdib, hoping na sana wala pa itong pirma... sana, sana katulad din ito ng mga nakaraan na bin

