PROLOGUE

1636 Words
Christina's POV "Mommy nasa airport na po ako 'wag kayong mag-alala. Huwag niyo na rin akong susunduin kaya ko po umuwi mag-isa." Habang naglalakad ako ay kausap ko naman si Mommy sa kabilang linya. Hila-hila ko ang aking maleta. Madalian ang uwi ko sa Pilipinas dahil sa lintik na kasal na mangyayari ngayong linggo na ito. Madaliang kasal, sa totoo lang hindi na namin kailangan pa magpakasal sa simbahan dahil mag-asawa na kami. Oo, mag-asawa na kami. Pareho na kaming pumirma ng kontrata at iyon na ang palatandaan na nagkasundo na kaming dalawa. Kung alam niyo lang labag sa loob ko ang pagpirma ng kontrata. Hindi ko nga kilala ang lalaking magiging asawa ko. Hindi ko man lang nagawang tingnan pa ang pangalan niya sa contract dahil hindi ko maatim tingnan pa 'yon. Isa pa, Wala akong oras na kilalanin ang hinayupak na 'yon. Kung sino man siya, sana lang hindi siya kasing tanda ng Daddy ko. Kung hindi lang kapakanan ng mga magulang ko ang iniisip ko ay hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko pa naman nakikita at lalong-lalo na hindi ko pa nalalaman ang pangalan niya. Bakit kasi nauso pa ngayon ang arrange marriage? Dahil sa utang? Wala na ba talagang ibang paraan para makaahon ang pamilya ko sa pagkaka-lugi ng negosyo namin. Bakit kasi umuutang ng malaking halaga at hindi naman pala mabayaran. Pagkatapos ngayon, ako itong magluluksa sa hindi ko naman kasalanan. Ako naman itong nagpapaka-hero para maiahon muli sila sa kahirapan. Pumasok na ako sa loob ng taxi. "Mommy, I'll hang up now. Nakasakay na rin ako ng taxi kaya huwag na ho kayong mag-alala." paalam ko dito. Hindi pa man ito nakapagsalita ay tuluyan ko ng tiniklop ang aking phone at isiniksik sa bulsa ng aking shoulder bag. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Ilang minuto bago naisipang magpadala ng text kay Mommy. Kailangan kong makilala ang lalaking ipinagkasundo nila sa akin. Bago man lang kami ikasal, makita ko man lang ang buwesit niyang mukha. Nag-reply naman kaagad sa akin si Mommy. Ang sabi niya nasa penthouse daw ito sa Makati. Okay, pupuntahan kita. Lintek na kasunduan 'to. Nagkaroon pa tuloy ako bigla ng asawa. Ano kaya talaga ang hitsura niya? Pogi kaya siya? Malaki katawan? Matangkad? Maputi? Mestiso? Or maybe he's old and ugly. Oh God! Huwag naman sanang gawin nila Mommy sa akin 'yon. Isusumpa ko sila sa lahat ng simbahan kapag nangyari 'yon. Iniisip ko pa lang iyon ay hindi ko na maatim na tumabi sa kaniya sa kama. Paano na lang ako tatabi sa kaniya? Hinding-hindi ko ibibigay ang p********e ko sa kaniya. No way! Over my dead sexy p***y! Kung sino man ang lalaking ito, magdusa sana siyang ako pa ang napili niya. Kasi ako dusang -dusa na. Hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng building. Napatingala ako roon. "Thank you, Manong." Binigyan ko ito ng five hundred. Malapit lang naman. May sukli pa ako ngunit hindi ko na ito kinuha pa. "Thank you, Ma'am." nagmadaling umalis si Manong sa aking harapan tsaka pumasok sa loob ng kaniyang taxi. Ako naman ay nanatiling nakatingala sa building na nasa aking harapan ngayon. Bakit bigla yata akong kinabahan. "Hello, ma'am!" Napatingin kaagad ako sa dalawang lalaking nasa aking harapan ngayon. Nakasuot sila ng uniform bilang bodyguard. Pansin ko rin ang earpiece sa kanilang tainga. "Y-yes, hello? Sino kayo?" "Kayo po ba ang anak nila Mr. and Mrs. Delavin?" "A-ako nga. Paano niyo nalaman ang—" "Sumunod ho kayo sa amin ma'am. Hinihintay ka na po ni Mr. Dickson." "Mr. Dickson?" sambit ko. Familiar ang surname na iyon. Napaawang ang labi ko ng mapagtagpi-tagpi ko ang lahat. "Kayo ba ang inutusan niya para sunduin ako?" tanong ko sa mga ito. "Yes, ma'am." "Okay." hindi na ako nagdalawang isip pa. Gusto ko rin naman talagang makilala at makita ang aking asawa. Nag-umpisang maglakad ang dalawang bodyguard. Pumasok sa loob. Nakasunod lamang ako sa kanila. Pumasok kami sa loob ng elevator. Maya maya lang din ay bumukas na ito. "This way, ma'am." turo ng isang bodyguard. Nakasunod lamang ako sa kanila hanggang sa huminto sila sa isang exclusive na pinto. Kinakabahan pa ako habang tinititigan ang pintuan na nasa aking harapan ngayon. "Nandito ba siya sa loob?" tanong ko sa mga ito. Pilit kong pinapatuwid ang salita ko. Sa totoo lang kinakabahan ako. "Yes po, ma'am." tipid na sagot ng mga ito. Nandito na ako sa penthouse ng asawa ko. Sa wakas! Makikita ko na ang hitsura niya. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinubukan buksan ang pinto. Sinadya yata talagang buksan ito. Nagpaiwan naman ang dalawang bodyguard sa labas. Humakbang ako papasok sa loob. Sinalubong ako nhg napakabangong perfume. Mas lalo pa akong kinabahan. Ngayon lang yata ako kinabahan sa tanang buhay ko. Big deal ba sa akin na makita ang naging asawa ko? Pumirma ako kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha. Ni-picture nga walang pinapasa sa akin sila Mommy. Lagi nilang sinasabing pag-uwi ko na lang daw malalaman kung sino ito. Tuloy-tuloy akong pumasok. Nasilayan ko ang lalaking nakaupo sa couch habang nakatalikod ito mula sa akin. Alam kong naka-dekwatro pa ito na nakaupo. Hindi ko makita ang kaniyang mukha. Tumikhim ako para malaman niyang nandito ako. Unti-unti itong humarap sa akin. Para bang nagkaroon ng slowmo ng tuluyan na itong humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko kasabay na rin ang pangungunot ng noo ko. Umawang rin aking ang labi dahil kilalang-kilala ko kung sino itong nasa harapan ko. Hindi ko makakalimutan ang mukha na ito. "Harp?" gulat at hindi makapaniwala ang naging reaksyon ko. Paano kasi, ang laki ng atraso ng lalaking ito sa akin. Siya lang naman ang EX ko na sobrang nanakit sa akin. Hindi ako makapaniwalang siya pa itong tatambad sa aking harapan. Ano bang ginagawa niya dito? "Excuse me, I'm Harper." malamig nitong sabi. As if, interesado ako sa kaniya. Nasanay akong Harp ang tawag sa kaniya kaya wala akong pakialam kahit tawagin ko man siyang Harp ngayon. Para bang wala lang sa kaniya ang muling paghaharap namin dalawa, habang ako umuusok na ang ilong dahil sa inis ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kaniya. Natigilan na lamang ako ng unti-unting mag-sink sa isip ko kung bakit ako nandito? H-huwag mo sabihing—siya ang lalaking pakakasalan ko? Naisahan yata ako nila Mommy. Alam naman nila na ang laki ng kasalanan ng lalaking ito sa akin pero paano nila nagawa sa akin 'to? Siya si Harper ang EX ko, siya ang dahilan kung bakit ako umalis sa Pilipinas. 'Yon ay para kalimutan siya. Ang laki kasi ng kasalanan nito sa akin. High school pa lang kami noon ng lokohin niya ako. Nakita ko siyang may ibang kahalikan sa plaza. Take note, best friend ko pa ang kahalikan niya. Hindi ko akalaing magagawa pala akong linlangin ng pamilya ko. Nagawa nila akong ipagkasundo sa lalaking dahilan ng pag-iyak ko. Muli ko siyang hinarap na puno ng galit "Harp or Harper pareho lang yun! Hindi mababago ng pangalan mo ang ginawa mo sa 'kin! Kung alam ko lang na ikaw pala ang lalaking pinagkasundo nila Mommy sa akin. Hindi ko na sana pinirmahan ang marriage contract!" inis na sigaw ko sa kaniya. "Well, it's too late, Ms. Delavin or should I call you, Mrs. Dickson?" mapang uyam nitong sabi sa akin. Para bang wala lang sa kaniyang kasal na kaming dalawa. Wala man lang siyang reaksyon ng makita niyang ako pala ang pinakasalan niya. Hindi kaya alam niya pero pinagpatuloy niya pa rin na pirmahan ang kontrata. Or baka nga plano niya ito. "Alam mo ba 'to? Alam mo bang ako ang babaeng pinakasalan mo? Pumayag ka? Bakit? Para saktan ulit ako?" inis na sigaw ko sa kaniya. Ngumisi siya. Nagawa pa talaga niya akong ngisihan sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin. "How dare you!" "First, Mrs. Dickson..." Pinutol ko kaagad ang pagsasalita niya "Miss Delavin po Mr. Dickson." mariing sabi ko aa kaniya. "Hindi yata ako prepared na tawagin ako gamit ang last name mo, Mr. DICK." sarcastikang dagdag ko. Diniinan ko pa talaga ang unang salita ng surname niya. Kasing bantot ng pagmumukha niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Wala akong pakialam kahit samaan mo pa ako ng tingin. "Kahit anong gawin mo...Mrs. Dickson ka na, Christina at para malaman mo, wala akong pakialam na ikaw ang pinakasalan ko. Your parents need me. They came to me and the only thing I asked for in exchange was you." Ikinuyom ko ang aking mga kamao. "Bakit ako? So, plano mo pala talaga 'to?" "Yes, let's say it's my plan. You’re my wife now. No matter how much you complain, you can’t do anything about it. You already signed our marriage contract. Kaya kahit na anong angal mo, uuwi at uuwi ka pa rin sa kandungan ko." he said in an extremely calm voice. Nag-init ang tainga ko. "Hinding-hindi ako uuwi sa kandungan mo, Mr. d**k!" inis na sagot ko sa kaniya. Bahagya siyang natawa. Tinatawanan niya ako. Habang ako hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Nanggagalaiti ako sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. "Bakit nga? Bakit ako? Bakit mo ginawa 'to? Anong gusto mo?" "Stop asking so many questions, Christina. I don't have time to answer all that. Bakit hindi ka na lang umuwi sa bahay at hintayin ako NA ASAWA MO!" mas diniinan pa niya ang words na asawa ko. "My bodyguards will escort you." dagdag pa niya. "Kaya kong umuwi mag-isa." inirapan ko kaagad ito sabay ng pagtalikod sa kaniya. Gigil at inis ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Lumabas ako ng office niya na puno ng galit. Nagpapadyak ang mga paa kong lumabas ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD