Dream catcher
"Babe may ibibigay ako sayo."
Bungad ni Mark sa akin. He's my boyfriend since college. Four years na kami, Mark Anthony Panahon.
Maalaga siya at iniintindi ako palagi. Priority niya ako at sobrang sweet. Masuwerte ako sakanya dahil pinapahalagahan niya ako at alam kong mahal ako sa kabila ng pagiging weird ko.
Parang hinahalungkat pa nito ang dalang bag, ano kaya ibibigay nito sa akin, malamang-
"Ito na! Dream catcher." Inabot ko ang dreamcatcher sakanya. Here we go again. Seriously?!
"Nakita ko yan sa antique shop malapit dito." Nakangiting turan nito sakin.
"Tatalab ba ito? Ang dami mo nang biniling ganyan sa akin." Kunot noo kong sabi sakanya. Tumawa pa ito at kinuha sa kamay ko ang bagay na yon at isinabit sa taas ng headboard ng bed.
"Sorry kung hindi tumatalab yun siguro peke... kasi kung saan ko lang naman nabili yun." I rolled my eyes at kamot naman nito ang batok.
"Don't worry babe I assure you tatalab na yan kasi dinasalan pa yan ng ale kanina." My brows furrowed.
Hindi na rin ako umaasang mawawala ang nightmares ko gabi-gabi, kasi naman minsan nananaginip ako ng lumilipad sa kalawakan,
nakikita ko ang katawan ko mismo,
mga libro,
potion na hindi ko alam,
minsan pa nga may powers of healing pa ako eh at ang pinakamatindi'y ... sinusunog ako ng mga taong hindi ko kilala.
Lahat ng panaginip parang tunay at parang nangyari na. Dei ja vu kumbaga. Na paulit ulit lang nangyayari.
I sighed as defeated ano bang magagawa ko? Talagang ipagpipilitan nitong kumuha ng kung anong pwedeng pangtanggal sa nightmarea ko.
Kunsabagay, wala naman mangyayari kung hindi ko susubukan diba.
"Okay, sige babe." Nagulat akong niyakap ako sa likod ni Mark. Its been years pero ganito parin ang epekto sakin ng lalaking to.
"I just want you to be protected babe kahit hanggang pagtulog mo. Ayokong mawala ka sakin dahil lang sa bangungot." Tinapik ko ang braso niya.
"Ano ka ba puro ka kalokohan." Ipinihit ako paharap at hinaplos ang magkabilang pisngi.
"I'm not kidding. Namatay si lola dahil dun at hindi ito biro sayo dahil lagi kang binabangungot babe. At ayokong mawala ka sakin dahil don" Sunod kong naramdaman ang paghalik nito sa aking noo.
I smiled at him and nod.
Tumunog ang doorbell sino namn kaya ito.
"Ako na." Naglakad papuntang pintuan at pinagbuksan si-
"Gem?!" Bulalas ko.
"Oh I miss you." She cried. Kahit kailan talaga napaka over reacting ng babaeng to hindi ko nga alam kung tunay ang mga drama nito sa buhay palibhasa nasa acting ang line-up nito sa buhay. Hindi siya artistang nakikita sa t.v.
Siya ang writer ng mga ito at laging may dalang notes o di kaya naman yung Tab niyang puno ng istorya niya.
"Wait girl I'm going to take note 'bout this scene." Kinuha nito ang Tablet at nag type ng kung ano. See.
"Kailan ka pa dumating? Ang tagal naman yata ng tour mo?" Ngumiwi siya.
"Ahh..yeah...mag eextend pa sana ako pero ugh.. may lalaking hinahabol ang kasexihan ko." I rolled my eyes.
"Yeah here we go again." Tumawa siya ng malakas na parang kalaban sa pelikula.
"Well matatapos ko naman na ang book ko kaya napauei na ako ng maaga." I shrugged and went yo bathroom.
"Sis may pupuntahan ba kayo ni Mark?" Sigae nito sakin.
"Yeah." rinig kong tugon ni mark mula kusina. Malapit lang naman ang kearyo ko sa kitchen kaya naririnig ko mula banyo.
========
"San kayo pupunta?" Tanong ko kay Mark.
"Syempre vacation din." Sagot ni Mark na nakatalikod s akin.
"Saan nga?" Pangungulit ko dito. Hininto niya ang ginagawa at humarap sa akin.
"May nakita akong historical view somewhere in province sasama ka ba? Antique." At itinuloy ang pinagawa.
"Are you serious? Ang daming hindi magandang history ang lugar na yun bakit kayo pupunta doon?"
"Hindi naman yun ang pupuntahan namin doon e. And my grand parenta are there sila nalang naiwan sa lugar na yun gusto ko rin ipakilala si Dianna sa kanila."
Naiwan akong natulala, and my mind scanning inside. Nagresearch ako tungkol sa mga history ng bawat probinsiya para kung sakali man may project ako rito'y ready na ako at ang Antique ang pinaka creepy sakanilang lahat.
Isa lang itong pulo na may nakatirang mambabarang pero manggagamot lang at may isang lalaking dumayo at inaral ang kakayahan ng mga ito at nakuha ang pribadong aklat at ginamit para makuha ang sinasabing dark magic ngunit kailangang ialay muna nito ang kaluluwa sa demonyo para makamit ang walang hanggang kamatayan.
Pumitik sa harap ko si Dianna.
"Hey snap out of it. Anong iniisip mo?"
"No huwag kang pupunta doon sis." May pag-aalala kong sambit.
"Ayan na naman yang drama mo eh."
"No I'm not kidding!" Tumal8kod ako sakanya at kukunin na ang mga bagahe.
"Here, wear this anytime and anywhere you go. Huwag mong tatanggalin."
Isinuot niya sa akin ang necklace na circle rose amulet.
"Protection ito kaya huwag na huwag mong huhubarin."
Hindi ko maiwasang panindigan ng balahibo bakit ganito magsalita si Gem? Kung ano man ang nag hihintay sa amin doon ay hindi ko ko rin alam.
"Dianna Amethyst Del Wick kahit ngayon lang, seryoso ako." Tumaas na ang boses nito.
Nagpaalam na kami kay Gem na hindi parin maipinta ang mukha.
Nakatingin ako sa sidemirror ng kotse at nakitang may katabing babae si Gem, magkawig sila ngunit mas matanda lang ang kasama nito.
Lumingon ako sa kinakatayuan niya pero wala na siyang kasama.