ZIANNA Para akong susugod sa laban dahil sa malalaking hakbang na ginagawa ko habang naglalakad sa lobby ng hotel. Nakakuyom na nga ang dalawang kamao ko na anumang oras ay handa nang magpakawala ng suntok sa sino mang susugod sa 'kin. Malayo pa lang ay tanaw ko na sa labas si Levi na malawak ang ngiti at mukhang hinihintay ang pagdating ko. Pero nang lumabas ako sa hotel ay hindi ako lumapit sa kanya dahil nilagpasan ko lamang siya. "Miss Lihann, saan ka pupunta?" "Mind your f*****g own business!" singhal ko sa kanya ng maabutan niya ako. "Huwag ka na mag-commute." Pinakita niya sa akin ang hawak niya. "Susi ng kotse mo." Tinuro niya ang sasakyan ko na nasa likuran ko. Akin pala ang sasakyan na nasa likod niya kanina. Kaya pala parang hinihintay niya ako. Marahas kong kinuha an

