REDDELLION STONE Nagtago muna ako sa isang puno at sinilip ang daan papasok sa likod ng bahay ni Gordon. Baka kasi hindi pa ako nakakapasok ay may mga tauhan na ang sasalubong sa akin. Kailangan ko muna magmasid sa paligid bago ako tumuloy. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko. Nang sulyapan ko ito ay si Lekaio ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot. “Allen and I are on our way, dude. Hindi ko na tatanungin kung ano ang ginagawa mo dahil may ideya na ako.” “Papasukin ko ang bahay ni Gordon. Hintayin n'yo lang ang signal ko kapag pwede na kayo sumugod. Baka mapahamak si Zianna sa loob kapag nalaman ni Gordon na nandito tayo,” bilin ko. Kailangan maging maingat ang kilos namin dahil baka mapahamak ang mag-ina sa loob. “Got it.” “Zianna's team was waiting at the acacia tree.

