ZIANNA I watched him from the screen of my phone. And yes, I was able to put a hidden camera in his office earlier without him noticing. Habang abala siya sa pag-aayos ng kanyang sarili ay pasimple kong nilagay ang spy camera sa ilalim ng desk lamp niya ng hindi niya makikita. Hindi naman kasi lahat ng bagay na nasa ibabaw ng office table niya ay hinulog niya sa sahig. Kaya ng pumasok ako rito sa department ay agad kong kinalikot ang phone na binigay sa akin ni Trapp. Ito ang gagamitin ko para may contact ako sa kagrupo ko at ang binigay naman niya sa akin ay para sa kanya lang since ayaw niyang may ibang number ang nakalagay sa phone. Now I can freely see what he is doing at this time. It's been a few minutes since I left his office. Mayamaya lang ay sumilay ang ngiti ko sa labi haba

