ZIANNA I have been having a hard time these past few days so I guess I need to relax. Here I am now at the bar I went to where I was with my old officemates. Alas onse na ng gabi at mahigit isang oras na akong narito. Heto ako at nakaka-limang baso na ng Martini pero kahit nakakaramdam na ng pagkahilo ay parang gusto ko pa rin uminom. Gusto ko sulitin habang narito ako sa Pilipinas dahil kapag nakabalik na ako sa Thailand ay hindi ko na ito magagawa. Pero wala dapat ako rito. Hindi dapat ako bumalik sa bansa na ayaw ko ng balikan. Ito ang bansa na iniiwasan ko ng balikan. Kung hindi lang ako tinawagan ni G para ipaalam ang kundisyon ni mama ay nunka na bumalik pa ako ng Pilipinas. Galing ako sa bahay nila at nakita ko ang kalagayan ni mama. May brain cancer ito at ayaw ng dumaan sa su

