ZIANNA Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Redd ay para akong lutang na lumabas sa opisina niya. Kahit ng hagkan niya ako bago lumabas ay para akong tuod na hindi man lang gumawang tumugon sa halik niya. Natatawa na nga lang siya sa naging reaksyon ko habang marahan akong tinataboy palabas ng opisina niya. Baka raw kasi gawin na naman niya akong dessert kapag hindi pa niya ako pinalabas ng opisina niya. Narito na ako sa department ko ay tulala pa rin ako. Hindi maalis sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya. Dumapo ang kamay ko sa dibdib ko, para pa rin itong tinatambol sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Nasobrahan na yata ako sa kape kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. "Hoy!" Muntik na akong mahulog sa upuan ng gulatin ako ni Kim. "Okay ka lang? Kanina ka pa tulala riya

