ZIANNA Ilang segundo niya ako tinitigan. Hindi pa rin siguro maproseso ng utak niya ang mga sinabi ko. Tinitimbang muna siguro niya kung maniniwala siya sa akin o hindi. Hindi ko siya pipilitin maniwala, ipaparamdam ko na lang kung gaano ko siya kamahal. Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Umikot ang kamay ko sa leeg niya patungo sa kanyang batok at kinabig palapit sa akin, magaan ko siyang hinagkan sa labi. Buong akala ko ay mapapahiya ako pero tinugon niya ang halik ko kaya lihim ako napangiti sa ginawa niya. Hanggang sa naging mapanabik ang naging halik niya sa akin. Napasinghap ako ng buhatin niya ako at naglakad. Lumapat ang pang-upo ko sa matigas na bagay, pinaupo niya ako study table niya. Malalim at mabigat na ang pagbuga ng aming mga hininga. Tila puno na naman kami ng

