ZIANNA Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na nilagyan ng mga seasoning tulad ng asin ang sinigang na baboy na niluluto ko. Hindi ko na nga tinitikman dahil alam kong lasang dagat na ito. Nang iwan niya ako sa sala ay mabilis kong dinampot ang mga damit ko. At dahil sinira niya ang blusa ko ay sinuot ko ang long-sleeved polo na hinubad niya at agad kong tinungo ang kusina para magluto. Nang puntahan niya ako ay nakaligo na siya. At parang walang nangyari na tinanong ko siya kung kumakain ba siya ng sinigang na baboy. When he said yes, lihim akong nagdiwang. Iniwan muna niya ako sa kusina. Hindi na rin niya in-open ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Mabuti na rin iyon dahil labis ang kahihiyan ang ginawa niya sa akin. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang pambibitin ni

