ZIANNA Ilang oras na ako nakadapa dahil pasulpot-sulpot ang pananakit ng tiyan ko. Hindi ko na nga nagawang kumain dahil sobrang sakit talaga. Imposible namang dysmenorrhea ito dahil tiyan ang masakit sa akin at hindi puson. Kinapa ko ang phone ko at natagpuan ko ang sarili na hinahanap ang numero niya. Simula ng tawagan niya ako ay ni-save ko na ang number niya. Wala naman ibang makakapunta ng mabilis dito kundi siya. Ngunit kalaunan ay nagbago ang isip ko. Hindi pala pwede dahil malalaman niya kung saan ako nakatira. Sa bandang huli ay tiniis ko ang pananakit ng tiyan ko. Imposibleng naman na dahil ito sa kinain ko. O baka kaya talaga dahil wala akong suot na panty kaya sumakit ng ganito ang tiyan ko? Malamig sa loob ng opisina kaya baka napasukan ako ng lamig. "Kasalanan mo talag

