Agad siyang napabitaw nang biglang sumulpot si Manang Inday—ang tagapagluto ng mansyon.
Nag-ayos ako ng aking sarili. “P-pasensya na po, Sir Sergio ngunit may naghahanap ho sayo!” turan nito. Sabay kaming nagkatinginan ni Tanda.
Sino naman ang naghahanap kay Tandang Sergio? “Sino?” seryosong sagot niya.
“Si Ma'am Abegail po!”
Bahagyang kumunot ang noo ni Tanda nang marinig ang naging sagot ni Manang Inday. “Ano'ng kailangan niya sa akin?”baritonong tanong niya.
“Tungkol ho daw kay Senyorita Beatrice!”
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tanda, iyong kaninong seryoso ay naging maamo. Sino naman iyang si Beatrice? Siya kaya iyong nasa malaking painting? Biglang kumirot ang aking dibdib.
Nagseselos ako.
“O sige, Manang! Ikaw na muna ang bahala kay Alice!” tugon niya kay Manang Inday, tumango lamang ang matanda.
Inayos ni Tanda ang kaniyang sarili at lumabas siya ng kusina. Naiwan ako kasama si Manang Inday. Nacurious ako sa babaeng pinapahanap ni Tanda.
“Sino si Beatrice, Manang?” biglang tanong ko. Saglit siyang napatigil sa pagligpit ng plato na pinagkainan naming dalawa ni Tanda.
“Siya ang babaeng nasa malaking painting diba?” dagdag ko pa, mas lalong kumirot ang puso ko. Paano kung magbalik iyong babaeng iyon?
Paano na ako? Paano na itong batang nasa sinapupunan ko? Oo, isang buwan na akong buntis ngunit itinago ko ito kay Tanda, dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
Natatakot ako na baka hindi niya angkinin ang batang nasa sinapupunan ko. Baka hindi niya matanggap ito. Matipid na tumango si Manang.
Pinigilan ko ang aking luha na tumulo. Ayokong makita ni Manang na apektado ako sa pagpapahanap ni Tanda kay Beatrice. Ayokong pati si Manang Inday ay madamay nang dahil sa akin.
“Dalawampu't-limang taon niyang ipinapahanap si Senyorita Beatrice. May anak kasi silang dalawa ni Senyorita.”
Anak? Tama ang naging desisyon ko na itago ang aking anak kay Tanda. Kasi ayokong masaktan sa huli ang anak ko kapag itinanggi siya ng tatay niya. Hays! Sa dinami-raming lalaki na pwede akong mabuntis, sa kaniya pa talaga.
Nagpaalam na ako kay Manang. Umakyat na ako sa aking kwarto at naglock ng pinto. Gusto kong mapag-isa. “Alice? Open the door!” boses ito ni Tanda habang kumakatok.
Pinunasan ko ang aking mga mata upang hindi niya mahalata na umiiyak ako. Ilang sandali bago ko siya pinagbuksan ng pinto.
“Are you okay? Is there something wrong?” nag-alalang tanong niya ngunit umiling lamang ako.
--
“W-wala, napagod lang ako. Gusto kong magpahinga at mapag-isa.”
“May problema ba, Alice? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo sa akin, Alice,” wika niya.
Malalim akong napabuntong-hininga. “W-wala, Tanda. Gusto ko lang talaga magpahinga.”
Kahit ang totoo ay nasaktan ako nang marinig ko mula kay Manang na matagal na pala niyang pinapahanap iyong babae na nasa malaking painting. Ang TOTGA niya.
Kasi kapag muling bumalik iyong mag-ina sa buhay niya ay ma-iitsapwera na ako. Wala na akong puwang sa buhay niya. Ang atensyon niya ay mapupunta na sa mag-ina niya lalo na't nawalay sa kaniya ito ng mahabang panahon. Iyong anak niya ay kaedad ko lang din. At alam kong pipiliin niya ang mag-inang iyon kaysa sa aming dalawa ng batang nasa sinapupunan ko kaya't wala ng dahilan pa upang sabihin ko sa kaniya na buntis ako.
Ayokong pahirapan ang sarili ko lalo na gawing miserable ang buhay ng anak ko. Kasi bartardo lamang ang aking anak.
“Okay,” umalis na siya.
At agad kong sinirado ang pinto ng kwarto ko. “Huwag kang mag-alala anak, ako ang magiging mommy't daddy mo. Hinding-hindi kita pababayaaan. Palalakihin kita ng puno ng pagmamahal.” Sabay kong hinaplos ang aking tiyan.
Maaga akong nakatulog. Yakap-yakap ang unan. KINABUKASAN ay nagising ako nang may gumalaw sa aking tabi—at bumungad sa akin ang mukha ni Tanda.
Nakangiti siya sa akin. “Good morning, Alice!” bati nito sa akin at aakmang hahalik ito sa noo ko ngunit bumangon ako.
“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya.
“Alam kong nagtatampo sa akin dahil naudlot iyong pagniniig nating dalawa kahapon. Sorry, Alice!”
Mapait akong ngumiti sa kaniya. Hindi ako ganong klaseng tao na magtatampo sa bagay na iyon. “Lumabas ka ng kwarto ko, Tandang Sergio may gagawin pa ako.” taboy ko sa kaniya ngunit nagmamatigas ito. Ayaw niyang lumabas ng kwarto ko.
“I'm really sorry, Alice!”
Wala naman siyang ginawang masama sa akin. Bakit siya nagsosorry? Hayss!
“Masama ba ang pakiramdam mo?” dagdag niya, nag-alalala. Mariin akong umiling.
“Then what? Sabihin mo naman sa akin kung ano problema. Namimiss mo ba si Tiya Miranda mo? Gusto mo bang bisitahin siya?” sunod-sunod na tanong niya ngunit pag-iling lamang ang tanging naitugon ko sa kaniya.
----
Sumuko narin siya, lumabas na siya ng kwarto ko. Alam kong naguguluhan siya sa mga ikinikilos ko ngunit ayokong bigyan ng assurance ang sarili ko na may pag-asa pa ako sa puso niya kasi alam ko na si Beatrice parin ang laman nito lalo na't may anak siya sa babae.
Agad akong naligo at nagtungo sa garden. Do'n ko ibinuhos ang aking atensyon nang sa ganon ay maibsan iyong sakit na nararamdaman ko sa posibleng pagbabalik ng mag-ina ni Tanda sa buhay niya. Kapag nangyari iyon ay kailangan ko na siyang i let go at magpakalayo-layo sa kaniya.
Kung anu-ano ang ginawa ko. Nagdilig ng halaman, kinukuha ko ang mga piste sa mga halaman. “Alam niyo sana naging bulaklak ako katulad niyo na palaging may peace of mind at presko. At kapag nagbalik iyong mag-ina ni Tanda, kayo na ang bahala sa kaniya ah?”
Kinausap ko ang mga bulaklak niya. Alam kong sinuman ang makakita sa akin na kinakausap ang mga bulaklak ni Tanda ay iisipin ng mga ito na baliw na ako. Wala akong pakialam.
Gusto ko lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ang selos at insecurity.
“Bakit? Saan ka pupunta?” nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang boses ni Tanda. Mariin akong napalunok ng laway.
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Nakabusiness suit attire siya at mas lalo siyang gumwapo sa suot niya. “Saan ka pupunta? Tila namamaalam kana sa mga bulaklak ko?” pag-uulit nya pa.
Di ako nakapagsalita.