CHAPTER 2

1688 Words
CHAPTER 2 Marahas ang paglingon ng ginawa ni Beatrice nang bigla ay may lalaking naupo sa kanyang tabi. Hinila ng lalaki ang mataas na stool palapit sa kanya saka ito naupo roon. Nakita niya pa ang pagdaan ng matalim na titig nito patungo sa kanyang likuran. Sinundan ng mga mata ni Beatrice ang hinayon ng paningin nito. Mula sa kanyang likod ay naglakad ang isang lalaki palapit sa mesang kung hindi siya nagkakamali ay pinagmulan nito. Muli niyang binalingan ang lalaki sa kanyang tabi. "What was that for?" mataray niyang tanong dito. Hindi nito pinansin ang tanong niya, sa halip ay binalingan ang bartender at humingi ng maiinom. "Excuse me, mister. Don't you think it was too arrogant for you to---" "Hindi ka dapat pumupunta sa lugar na ganito," putol nito sa ano pa mang sasabihin niya. Nakatutok ang mga mata nito sa baso ng alak na nasa harapan nito. Hindi ito nakatitig sa kanya ngunit sa kabila niyon ay ramdam ni Beatrice ang intensidad ng bawat katagang binitawan ng estranghero. And Beatrice got irritated by his arrogance. Ano ang pakialam ng lalaking ito sa kanya? "Wala kang pakialam kung---" Sa muli ay pinutol nito ang pagsasalita niya. "How old are you? Hindi ba't parang ang bata mo pa para sa lugar na ganito?" Beatrice rolled her eyes upwardly. "My god! Who are you? My guardian?" she said sarcastically, almost mocking him. "I am twenty-one, for crying out loud!" "Twenty-one," ulit nito sa sinabi niya. Lumingon sa kanya ang lalaki at tinitigan siya. Sa ginawa nito ay natitigan nang maigi ni Beatrice ang mukha ng estranghero. He has high cheekbones and strong jawline. Matangos ang ilong nito at may mga mata na kasing-itim ng gabi. Those eyes were paired with dark eyebrows, as well. Malinis ang pagkakagupit ng buhok nito na alam niyang alaga sa shampoo sa kabila ng ikli niyon. And his lips! The sensuality of it was so obvious that Beatrice almost held her breath. She was still looking on his lips when the corner of it twisted upward. Agad na napaangat ng kanyang paningin si Beatrice at tinitigan ito sa mga mata. And she almost hated herself when she saw the teasing look in the stranger's eyes. Alam niyang nahuli siya nito sa pagsuring ginawa niya sa mukha nito. Pero taas-noo pa ring tinitigan ito ni Beatrice. "Kung mamarapatin mo, mas gusto ko na mapag-isa," matigas niyang saad ito. "Oras na tumayo ako dito ay sinisiguro ko sa iyong mamaya lang ay may lalaking lalapit na sa iyo, Miss. And who knows what would they do?" wika nito. "Oh, come on. Hindi ko gustong---" "Nakita mo ba ang lalaking iyon kanina?" wika nito na para bang hindi siya nagsalita. Disimulado nitong tinuro ang lalaking nakita niya kanina. Beatrice followed his gaze. Nakita niya ang lalaking kanina ay nasa kanyang likuran. Alam niyang lasing na ito pati ang mga kasamahan. "What about him?" usisa niya. "Kung hindi kita linapitan ay---" "Oh, and so utang na loob ko sa iyo iyon ngayon?" she said sarcastically. "Gusto ko na mapag-isa, mister. And so please, leave me alone." "Ano ang dahilan at umiinom ka ngayon dito nang mag-isa?" wika nito na sa muli ay hindi pinapansin ang mga sinasabi niya. Hindi siya sumagot. Nang magpatuloy ang pananahimik niya ay muli itong nagsalita. "Let me guess. A guy broke your heart. Isn't it?" ***** ANG akmang pag-inom ni Paul muli ng alak ay nabitin nang makita niya ang lungkot sa mukha ng dalaga. Did he hit a home? Kaya ba ito naroon at umiinom na parang wala ng bukas ay dahil sa rason na iyon? Ibinaba ni Paul ang kopita ng alak sa counter at hinarap ang dalaga. She remained silent. "Care to tell me?" Paismid na hinarap siya ng dalaga. "What? You really expect me to tell you?" "Yeah, why not?" anito at muling dinampot ang kopita at sumimsim doon. "I don't even know you," saad nito. "Alam mo bang mas magandang maglabas ng problema sa taong hindi mo kilala? There would be no judgement, since sabi mo nga, hindi naman tayo magkakilala." On her part yes. Pero siya, kilala niya ito. Iisang lipunan lang ang ginagalawan nila dahil na rin sa uri ng negosyo na mayroon ang mga pamilya nila. Kaya naman hindi pwedeng hindi niya makilala ang pamilya ng dalaga--- maging ang dalaga mismo. Beatrice Olvidares--- the youngest of Olvidareses. He knows her. At kung sa Pilipinas lang din ito naglagi at hindi sa ibang bansa, mas may tiyansa na nakilala rin siya nito. "He's getting married," narinig niyang sambit ni Beatrice, dahilan para maputol ang daloy ng isip niya. Mahina ang pagkakabanggit ng dalaga sa bawat kataga ngunit sapat lamang iyon para marinig pa rin ni Paul. "Sino?" Bago ito sumagot sa kanya ay dinala muna nito ang kopita ng alak sa bibig. Inisang lagok nito ang alak. Paul almost cursed. Alam niyang umeepekto na ang inumin sa dalaga. "The man who never saw me as a woman," she said in a hoarse voice. So, tama nga siya. Narito ito ngayon at umiinom dahil sa... sawi sa pag-ibig? "One more tequila, please," narinig niyang muli nitong order sa bartender. "No. That is enough," aniya, mas sa bartender kaysa sa dalaga. Isang matalim na tingin ang inani niya mula kay Beatrice. "Who are you to decide for me?" "It is enough for her," wika niya pa sa bartender at hindi pinansin ang pagtataray nito. "Kaya ko pa magbayad. Give me one more shot," utos nito sa bartender na hindi alam kung sino sa kanila ang susundin. "Alam ko na kaya mo pang magbayad, miss. There is no doubt about that. Ang hindi mo na kaya ay ang uminom pa." "Wala kang pakialam!" Halos napataas na ang tinig nito nang magsalita. Iniikot ni Paul ang paningin sa paligid. Some are watching them with curiosity on their faces. Natuon ang mga mata niya sa mesang pinanggalingan kung saan naroon pa ang kanyang mga kaibigan. They were looking towards their direction. At alam niya ang tumatakbo sa mga isip nito, kung ang pagbabasehan ay ang ngisi ng bawat isa. "Damn!" he hissed more to himself. Bakit nga ba linapitan niya pa ang babaeng ito? At ano ang nagtulak sa kanya para gawin iyon? Was it because of his last conversation with her brother months ago? Paul knew that Jake Olvidares was serious about his proposal to him? Would he take it? "Okay!" He heard Beatrice snapped. "You are not giving me another shot," turo nito sa bartender, "I might as well find another place where I could drink." Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo. Ngunit dahil sa alak na nainom, na sinisiguro ni Paul na umeepekto na dito, ay naging mabuyaw ang ginawa nitong pagkilos. Agad ang ginawang pagtayo ni Paul upang alalayan ang dalaga. His right arm snaked to her waist habang ang kaliwa ay naitukod niya sa counter ng bar. Paul cursed again. "Hold still, miss, kung ayaw mong pagtinginan tayo dito ng mga tao." His hand was still around her. Sa tayo nila ay parang yakap niya ang dalaga. Pilit itong ibinalik ni Paul sa pagkakaupo. "Damn! Hindi ka dapat nagtungo dito at nagpakalasing," nagagalit niyang saad sa dalaga. Hinugot niya ang portamoneda mula sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. Kumuha siya mula roon ng ilang halaga at iniabot sa bartender upang kabayaran sa ininom niya at ni Beatrice. Nang makapagbayad ay muli niyang inalalayan ang dalaga na hindi na halos makatayo nang tuwid. Lumingon ulit siya sa mga kasamahan at tinanguan ang mga ito, senyales na kailangan na niyang maunang umalis. Nakaiintinding tango lang din ang sinagot ng mga ito sa kanya. Hell! Pero wala na siyang pakialam sa iniisip ng mga ito. Mas gusto niyang alisin ang dalaga sa lugar na ito ngayon din, lalo na sa sitwasyon nito ngayon Kinuha niya ang gamit nito at lumabas na ng bar. Pagkarating sa labas ay iniikot niya ang paningin sa mga sasakyan na nakaparada sa harap nito. "Where among these is your car?" Itinuro nito ang isang Land Crusier habang nagsasalita sa mabuyaw na paraan. "W-Where are you taking me?" "To the nearest hotel," aniya habang iginagaya ito patungo sa itinuro nitong sasakyan. Halos hindi na ito makalakad nang maayos dahil sa pagkalasing. At kung hindi lang ito hawak ni Paul ay paniguradong tutumba ang dalaga. "Hey!" pilit nitong pagpapakawala sa sarili mula sa pagkakahawak niya. "If you think that I am an easy lay, think again. Asshole!" Nangangalaiting hinarap ito ni Paul. "And you think na hindi iyon ang iniisip ng ilan sa mga lalaking nasa loob. Now, get in!" Ano mang pagtutol na nais isatinig ni Beatrice ay nahinto dahil nabuksan na niya ang sasakyan at pilit na itong pinapasok. Umikot siya sa driver's seat at sumakay roon. Tinitigan niya si Beatrice na ngayon ay nakasandal na sa passenger's seat at nakapikit ang mga mata. Napabuntong-hininga na lamang siya nang ilapit niya ang sarili dito para abutin ang seatbelt at ikabit iyon sa dalaga. Halos nasamyo niya pa ang mamahaling pabango nito. Nang makuha ang susi ng sasakyan mula sa mga gamit nito ay minaniobra na niya iyon patungo sa pinakamalapit na hotel. Kung tutuusin ay pwede niyang ihatid ang dalaga sa bahay ng mga ito. But Beatrice doesn't know him. Hindi nito alam na kilala niya ang pamilya nito. At sigurado siya na magtataka ito kung paano niya nalaman ang tinitirhan nito. Pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng hotel ay saglit na pinagmasdan ni Paul ang dalaga. Base sa paghinga nito ay alam niyang nakatulog na ang dalaga. Paul heaved out a deep sigh. Muling pumasok sa isip niya ang huling pag-uusap nila ni Jake. He needed it badly, but would he resort on doing what he wanted? He heaved out a deep sigh. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon kinuha niya ang kanyang cell phone at nagtipa ng numero. It took seconds before someone answered his call. "Hello. I know that you are on your honeymoon right now. But I just want to inform you where your sister is," aniya sabay lingon sa dalagang mahimbing nang natutulog sa kanyang tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD