Chapter 2

1040 Words
"Bakit kami? Wala naman kaming alam diyan sa mga gimik niyo!" reklamo ni Jillian. Akmang isasara na niya ang pinto nang pigilan ito ng kuya niya. "Ano bang trip mo?!" "250k." Walang emosyon ang boses ni zeus at diretsong hinawi ang pinto. Kahit si Jillian ay naguguluhang tumingin sa kapatid niyang diretsong nag lakad sa loob ng kwarto niya. "Tama ba ang narinig ko? 250k? Pag hahati.an ba namin yun?" Nagtatakang tanong ni Vincent. Sa tono ng pananalita niya ay alam kong interesado siya. "Nope. 250k each." Diretso ang tingin ni zeus kay vincent. Hindi ko alam. Pero bigla akong kinabahan. Kung sa akin lang hindi naman ako interesado sa 250k na yan. Pero kahit bali baliktarin ang mundo eh malaking halaga yan at alam ko kung sinong interes ang napukaw sa perang yan. "Ano bang kailangan kong gawin?" Determinadong sambit ni Vincent. Bahagyang ngumiti si zeus at umupo sa maliit na sofa sa kwarto. "Tsk tsk. Pasensya kana pero hindi pwedeng ikaw lang. Kailangan kayong tatlo." Umiiling na sagot ni Zeus. Agad na nilapitan ni Jillian ang kuya niya at kwenilyohan ito. Agad naman kaming napatayo ni Vincent para sana pigilan siya pero agad namang ngumiti ng nakakaloko si zeus at sininyasan kami na manatili sa pwesto namin. "Wag mo nga kaming idamay diyan sa ka ulolan mo!" Sigaw ni Jillian. "Hindi ka ulolan ang gagawin niyo." Agad kaming napatingin sa pintuan ng marinig namin ang pamilyar na boses. Arianna.. "Kanina kapa titig na titig sakin Harold. Gusto mo ba ko?" Muntik na akong mahulog sa kama sa sinabi niya. "A-ano?! Baliw kaba?!" Sagot ko. Mapang asar na ngiti lang ang sagot niya at agad ring bumalik sa pagiging seryoso ang mukha niya. "Simple lang ang trabaho niyo. Taga bitbit ng mga gamit." Simpleng tugon niya. Yun lang?! 250k para maging taga bitbit ng gamit? "Ha? Pinaglololoko niyo ba kami?" Tanong ni Jillian halatang nag pipigil ng galit. Agad na tinapik ni Zeus ang kamay ni Jillian na naka hawak sa kwelyo niya "No. Yan lang ang trabaho niyo." "Pag isipan niyo." Inayos ni Zeus ang damit niya tsaka sila lumabas ni Arianna. Nang makalayo na sila sa kwarto ay nagkatinginan kaming tatlo. "Tol! Ang laking pera non!" Pasigaw na tugon ni Vincent. Oo sa sobrang laki, Nakakaduda. Napailing si Jillian. "Wala akong tiwala dun." Ako rin Jillian. "Tol. Malaking tulong yun sa pamilya namin pag nagkataon." Tugon ni Vincent. Nagkatinginan kami ni Jillian. Sa aming tatlo si Vincent ang masasabi naming hindi ganun ka sagana sa pera. Hindi naman siya hampas lupa pero hindi sila mayaman. OFW ang papa niya habang yung mama niya ay nagtatrabaho sa isang hotel bilang manager. May dalawa pa siyang kapatid na nag aaral. "Alam ko namang maliit na bagay lang yun sa inyo. Pero sa akin tol napaka laki non." Dagdag niya. "Wala namang problema sakin yun." Kahit napipilitan ay hindi ko ipinahalata na nagdududa ako. Nakita kong umaliwalas ang mukha ni Vincent nang marinig ang sagot ko. Agad niya akong tinapik sa balikat. Si Jillian nalang ang kulang. "Hay nako. Ano pa nga bang magagawa ko? Sige tara! Wag kang mag alala tol 100k kukunin ko dun. Sayo na 150k." Nababagot na sagot ni Jillian. Natawa nalang ako "Sakin rin." Dagdag ko. "Talaga?! Hulog talaga kayo ng langit! HAHAHAHA Lezgoo!" Sabi niya at agad kaming inabot ng mga braso niya tsaka yumakap. "Nababakla kana tol ah!" Reklamo ni Jillian. "Alis na tama na!" Dagdag ko. Kung ano man ang mangyari hindi ko naman hahayaang gawin nilang dalawa yun ng sila lang. Since day 1 kasama ko na sila. Hindi ko sila iiwan kahit saan, kahit kailan. Ilang araw na ang lumipas simula nung pumayag kami sa alok ni Zeus. Hindi pa namin alam kung saan ang punta namin. Ang alam lang namin ay kami ang taga bitbit ng mga gamit. Bukas na ang alis namin kaya abala na rin ako sa pag aayos ng gamit ko at kung ano ang mga dadalhin. Sabi naman ay 3 days lang daw kaya hindi ko na masyadong dinamihan. Dagdag lang rin yun sa bibitbitin ko. "Tol ready kana?" Tanong ko kay Vincent sa tawag. "Oo tol. Kahapon pa ako tapos mag impake. Wow di ka naman excited no? "Waw ah?! Perang pera kana tol ah" Biro ko. "Oo naman. Sige tol tulongan ko muna si mama mag luto." Sabi niya at pinatay na ang linya. Habang nag iimpake ako ng gamit ay biglang nahagip ng paningin ko ang isang maliit na picture frame namin ng pamilya ko na naka presto sa study table. "Kumusta na kayo? Miss ko na kayo." Naiiyak na tugon ko. Kung alam ko lang sana. Sana hindi ko na kayo pina alis nung araw na yun. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sana hindi nalang.... Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang inaalala ang mga masasayang araw kasama sila. Riiiiing riiiiing riiiing! Natauhan ako nang biglang may tumawag. Si Jillian pala. "Ano tol. Ready kana? Bibili ako ng mga chichirya e. Anong masarap na chichirya ngayon?" Seryosong tugon niya. "Kahit ano. Basta masarap." Walang ganang tugon ko. "Ang labo mo harold. Bahala ka nga wag kayong mag reklamo kung ano mabitbit ko ah! Bye cheee!" Sabi niya at pinatay na ang tawag. Pangit ng ugali ng mga to hindi man lang ako pinag ba babye. "Anak anong gusto mong pasalubong pag uwi?" "Hoy R. Umayo ka dito wag kang pakalat kalat." "Gold medal nalang talaga ang e reregalo ko sayo hahaha. Maiwan ka muna dito" "Hindi na natagpuan ang flight F-4554 simula ng lumipad ito kaninang 4:30pm." "Sinimulan na nga coast guard ang pag lilibot sa mga dagat na possibleng daanan ng F-4554." "Ilang buwan na ang nakakaraan simula nung ma missing ang flight F-4554 ay wala paring makitang kahit isang ebidensya na magpapatunay na may plane crash na nangyari" It's been 5 years. Hindi ko parin matanggap na wala na kayo. Hindi ko parin matanggap na haharapin ko ang mundong to ng mag isa. Pipilitin kong maging matatag para sa inyo. Kakayanin ko. Agad kong kinuha ang picture frame namin at nilagay sa loob ng bag ko. Agad na akong nakatulog sa sobrang dami kong iniisip kaya siguro napagod ang utak ko. 09894568837 calling..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD