"Lasing ka? Ganiyan ka nang babae ngayon?! Ang kapal naman ng mukha mong umuwi pa sa ganiyang kalagayan! Anong masasabi ng mga taong makakakita sa 'yo? Na naglalasing ka dahil hiwalay na kayo ng boyfriend mong pinsan mo?!" One slap from my mother made my body weaken more, the reason why I fell on the ground feebly. Napasandal ako sa dingding at itinuon ang tingin sa sahig. I'm too worn out to deal with this s**t. "Hindi ka sasagot?! Bingi-bingihan dahil totoo? Hah! Kailan ka ba babangon diyan sa kahibangan mo?!" I didn't anticipate the next thing she did. She pulled my hair harshly for me to stand up and face her. Masakit ang pagkahawak niya rito na parang matatanggal na ang anit ko, pero hindi ko pinahalata sa kaniya na nasasaktan ako. Diniinan pa niya ito, dahilan para mapapikit ako

