After the confession between us, I decided to court her... pero mag pa-paalam muna sa parents niya. Ayaw ko namang patago siyang nililigawan. Baka kapag nahuli ng Mama niya ay pagagalitan na naman siya. Kung hindi man papayag ang parents niya, makakahintay naman ako kung kailan pwede. Kuntento naman ako sa ganito muna... na alam kong gusto niya rin ako. "Oh, ayan! Ready na ready nang manligaw!" nakangiting sabi ni Mama at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nakaharap ako sa salamin ngayon habang nilalagyan ng gel ang buhok ko. Nakasuot ako ng pormal na pormal na damit. Tuwang-tuwa si Mama nang malaman na umamin si Julienne sa 'kin. She was even like a teenager who felt the butterflies in her stomach. "Alam mo naman na siguro ang gagawin, ano?" tanong niya. I nodded. "Oo naman, Ma!

