Chapter 2

3275 Words
"Ashia! Sige na, please! Gusto nga kitang maging friend!" I was wearing my glasses when Venice bugged me again just like what she's doing for the past few days. It's been a week since she started interacting with me in the church sa Youth Ministry. Papasok na sana ako sa classroom ko suot-suot ang eyeglasses dahil kakaiyak ko kanina lang. As usual, kung anu-ano na namang masasakit na salita ang binato sa 'kin ni mama. I was used to it but it doesn't mean that it's not painful anymore. Patuloy lang akong naglalakad kaya para siyang tuta kung makasunod sa akin sa likuran. Para matigil siya ay huminto ako at nilingon siyang kasalukuyang nag-puppy eye. "Write an essay that will consist with one thousand words with the topic about the reasons why you want me to be your friend. Hindi ako ideal friend kaya gusto kong malaman kung anong dahilan mo," saad ko na ikinanguso nito. I'm serious, honestly. Pagkatapos kasi ng team building last week ay parang iniiwasan na ako ni Shiela nor hindi na ako pinapansin sa school na parang hangin. Not that I am craving for her attention. I'm just curious why kasi hindi naman siya nagkakaganiyan agad. Matapos akong pinilit na maging kaibigan, hindi na papansinin na parang hangin? I'm thinking the same about Venice. Tss. That's why I don't want to involve myself to anyone. Mabuti na lang at hindi ako gaanong na-attach sa presensiya ni Shiela dahil kung ganoon, perhaps all I did last week was to overthink where did I go wrong. I don't give a s**t. I'm proud of myself because I don't settle for less. "Got it, Ashia! Kahit hindi ako kasing talino mo, kahit mahirap gumawa ng essay, gagawin ko para lang makuha ang matamis mong oo! Char lang, para naman akong nanliligaw. Basta asahan mo, ha? Kailan ba deadline?" Her eyes scream genuineness and I feel like she really wants to befriend me. "No, I was just kidding. Don't take it seriously. I'll go ahead," paalam ko na sa kaniya dahil naiirita na. Hindi naman talaga ako seryoso roon dahil ayaw kong magpahirap ng tao para lang makuha ang atensiyon ko. I am not a gold. Para lang din akong nagpapabayad. I just really want to test her because I don't want fake people to enter my life. Si Shiela kasi, para lang akong ginagamit lalo na noong grade 9 dahil alam niyang matalino ako. With no other choice, I helped her in everything tungkol sa academics dahil wala rin naman akong mapapala kung magdadamot ako. Wala na rin naman akong pakialam. But momentarily that she's avoiding me or whatever, it seems like it is my freedom. One of the reasons why I want to be left by her because I don't want someone to use me. Ang natitirang buwan ng school year last year ay tiniis ko ang paggamit niya sa 'kin dahil naaaawa rin ako sa kaniya. My sympathy for her prevails than my irritation . Her grades were low, and I saw her one time being scolded by her mother because of her low grades. I am somehow relatable to her because my mother also does that. Pero ngayon, hindi ko alam ang masasabi o maramdaman kung sakaling lalapit ulit siya sa 'kin dahil lang may kailangan after a week of being so distant to me The whole period of class went well. Hindi man ako palasalita para sa interaction kasama ang ibang tao, nababawi ko naman 'to sa klase. I don't want to disappoint my mother. Hindi niya ako binibigyan ng pakialam pero sa grado ko, may pakialam siya. Pumasok si Shiela pero ni isang tingin ay hindi niya ako tinapunan. I don't really care. "Yssa, alam mo ba pangalan ng gwapong lalaki last week sa team building na nakatitig ata sa 'kin? Char. 'Yong lalaking matangkad at maputi, malinis ang pagkakaayos ng itim na itim na buhok, ang ganda at ang amo ng mga mata, ang ganda ng kurba ng lips, parang kissable, at ang tangos din ng ilong! 'Yong palaging nakangiti at may nunal malapit sa bibig! Alam mo pangalan?" Narinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya sa locker room ng mga babae. Pamilyar ang nagtanong dahil isa siya sa mga katabi ko last week during taize prayer sa youth. Napakunot ang noo ko dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Sumagot ang kasama niya, "Aba, oo naman! Dami ko kayang kilalang mga gwapo na youth sa ibang Baranggay. He's Caleb Elijah Alonzo, search mo sa sss, friend kami niyan. Seventeen years old na 'yan so it means ka-edad at ka-grade natin. Grade 11 din ata." "Omg, thank you, Yssa! Grabe, ang saya rin pala talagang sumali sa youth dahil ang daming gwapo. Ito rin ang dahilan, e, haha!" I shook my head in disappointment after hearing their conversation. Sumali lang sa Youth dahil maraming makikilalang gwapo. Hindi ko alam na ganiyan pala ang iba. Hindi taos-pusong nag-s-serve dahil iba ang dahilan. It's not sincerity after all, it's a selfish and a worldly want. I hope they would realize it someday. Nag-aabang na ako ngayon ng masasakyan sa medyo malapit lang na waiting shed ng school. The weather was fine but I was wrong when my sight was welcomed with a ponderous rain. I closed my eyes out of irritation because I didn't bring an umbrella. Ako lang mag-isa rito sa waiting shed dahil kanina pa rin ata nakasakay ang ibang estudyante. Pagtingin ko sa oras ng cellphone ko ay naalarma ako dahil alas singko y media na't wala pa ring sasakyan. Bilin sa 'kin ni mama na kailangang alas singko y media ay magsasaing na ako. Sigurado akong mapapagalitan na naman ako nito. I prayed. Just when I opened my eyes, I really believed in miracle dahil may nakita akong isang jeep na papalapit na sa waiting shed. I immediately covered my head with my towel bago pinara ang jeep dala-dala ang bag ko. Mabuti na lang at wala akong dalang libro dahil iniwan ko ang mga 'yon sa room. Huminto agad ang jeep sa harapan ko kaya agaran akong tumakbo at dali-daling sumakay. May isang pasahero lang akong kasama kaya nakahinga ako nang maluwag dahil ayaw ko ng siksikan. Dahil naramdaman kong nabasa ang buhok ko ay pinunasan ko ito gamit ang towel ko at kunot-noong ginagawa ito. Napahinto ako nang makita ang isang lalaking pasahero na nakatitig sa 'kin. I looked away when I realized that it was Caleb, ang pinag-usapan ng dalawang babae kanina sa locker na kinainisan ko. Why is he always staring at me? "Stop staring," malamig kong utos dahilan para mapaiwas siya ng tingin na parang nahihiya na ngayon pero agad ding binalik sa 'kin ang paningin. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Naiilang ka, Julienne?" My lips are now in a grim line. Nainis pa ako sa kaniya noong nagsulat siya sa kaniyang notebook last week ng 'Hi, Julienne.' tapos ngayon tinawag na naman niya akong ganoon. It's not entertaining. I hate being called in that way. I hate my second name. "Can you stop calling me Julienne? We're not close." Ngayon, nawalan na ako ng reaksiyon sa mukha habang nakatingin sa kaniya na ngiting-ngiti. He was wearing a school uniform. Complete school uniform for the senior high in Plaridel. Hindi ko alam kung saan siya patungo. I washed off the question from my mind because I'm not interested. "Sungit. Bakit? Naiilang ka rin ba?" Natawa na talaga siya ngayon na para bang may nakatatawa kahit wala naman. "Nope. I hate my second name." Iniwas ko ang aking tingin at ibinaling na lang ang atensiyon sa labasan. The rain is still pouring hardly. Mahina pa ang paandar ng jeep kaya naman naiirita ako dahil magsasaing pa ako. "Sana matutunan mo ring mahalin ang pangalawang pangalan mo dahil kahit maliit na bagay man 'yan, parte pa rin 'yan ng pagkatao mo. In order for you to slowly love it, I will start calling you Julienne, close or not. Wala pa kasing tumatawag sa 'yo no'n kaya tatawagin kitang ganoon para unique." Seryoso siya sa unang mga salita pero kalaunan ay natawa. He's crazy. "Tumigil ka, Caleb," seryoso kong saad, pero napapikit na lang ako sa inis dahil nabanggit ko ang pangalan niya. Baka sabihin pa nitong interesado ako sa kaniya, narinig ko lang naman. I prayed for the jeep to stop on where I live already. I don't want to accept my defeat after seeing his smirk. I was silently praying while creasing my forehead and looking away from his stare. But the miracle I had received earlier didn't come. It's like being in the traffic currently that I need to wait for it and let myself being swallowed by the embarrassment. "Kilala mo ako?" Sobrang laki ng ngisi niya. "Obviously I know you by name because I heard Shiela called you. There's no place for you to assume." Hindi ko alam kung bakit pero ang kausap siya ang pinakamahabang usapan ang naranasan ko sa buhay ko. He's just spitting nonsense so how come I have coped to still talk to him? "Ang sungit mo talaga, Julienne. Ah, kaibigan mo 'yon si Shiela, 'di ba? Magkaibigan kami niyan noon, childhood friend ko kumbaga pero nawalan kami ng interaction at komunikasyon noong high school dahil-" "I'm not interested." Sa pagputol ko sa sinasabi niya, imbes na mapahiya siya ay napahalakhak lang siya. Pero sa pagtitig ko nang mabuti sa mga mata niya ay parang namumula ang mga ito which reminded me of my eyes after a long cry. "Oh, ikaw na naman ang tumitig. Crush mo na ako?" He teased me which made my brows furrowed. Umiling na lang ako at nanahimik dahil ayaw ko talaga sa mga ganitong usapan lalo na sa taong 'di ko pa kilala. Kahit naman sa taong kilala ko, I don't want to engage with this kind of nonsense conversation. "Para po," I said to the driver when I reached our house. Grabe pa rin ang ulan pero bahala na. Tatakbo na lang ako. Nagbayad na rin ako sa driver nang ihinto niya ito at tatakbo na sana palabas pero napatigil ako nang bigla akong hawakan ni Caleb sa kamay. "Manong, pwede po hintayin n'yo ako saglit? Ihahatid ko lang po siya dahil wala siyang dalang payong," saad ni Caleb na siyang ikinagulat ko. Kinuha nito ang payong sa bag. "Sige, hijo." "Ano ba? Kaya ko naman," inis na sabi ko dahil baka kapag makita ni mama si Caleb ay mag-co-conclude agad na boyfriend ko. Mauuna na sana ako sa paglalakad but he covered his body in front of me. He manipulated his black umbrella and he held my hand immediately, and wrapped his hand around my shoulder because I would be soaked with the rain if I won't be this close to him. "Ayaw kong ma-konsensiya kapag nagkasakit ka man dahil magpapabasa ka ng ulan. It would not be a nice sight if I know that I have an umbrella and you have not," he sternly said while looking at the ground. "I'm not your responsibility." "Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin basta ihahatid kita na may payong." Napailing na lang ako at hinayaan siya dahil wala na akong kawala. "Hindi riyan ang daan, dito," sabi ko nang lumihis siya ng daan. Tawa lang ang isinagot niya na ikinakunot na naman ng noo ko. May kailangang tahakin pang medyo mahabang daan bago makarating sa amin kaya naman kinabahan ako dahil baka makita kami ni mama na magkasama. Medyo madilim na dahil malapit nang mag-alas sais. I sighed, thinking about me being scolded again because I am late. I know that my mother was already there. Napansin ata ni Caleb ang buntong-hininga ko kaya naman napatingin siya sa 'kin pero hindi siya nagsalita. Tanging pagpatak lang ng ulan ang maingay sa gitna naming dalawa hindi tulad kanina. Well, I really preferred this situation than being annoyed by his talkative voice again. "Okay na ako rito," walang emosyon kong sabi nang makarating kami sa medyo may kalakihang pulang gate sa amin. "Sigurado ka?" "Yes." He stared at me like he couldn't let me go. "Okay. If you're being pressured, if fear crept within you, if you're sad, don't forget to pray. Praying is the best weapon to fight for that. Sakto ngayon oh, mag-a-alas sais na," nakangiti niyang saad dahilan para matigilan ako. The way he smiled isn't the same as his teasing smile earlier. His smile right now screams sincerity. I nodded slowly because that's the thing that I always do when I feel so down. He smiled again before turning his back at me. Medyo tumila na rin ang ulan kaya ayos na ako rito. "Anyway, goodbye, Julienne!" He waved his hand. Napailing na lang ako sa inis na naman dahil sa pagtawag niya sa pangalawang pangalan ko. When I was able to enter the house, my sense of hearing was quickly welcomed by the shout of my mother. "Ashia! Bakit ngayon ka lang, ha?! Wala pang sinaing! Sino 'yong kasama mong lalaki? Kaya ka ba nahuli sa pagdating dahil lumalandi ka nang bata ka?!" Kasunod ng sigaw niya ay hindi ko inaasahan ang malakas niyang pagsampal sa 'kin dahilan para mapaupo ako sa sahig. She doesn't hurt me physically, ngayon lang. It was the first time that someone hurt me physically and the worst truth is I experienced it from my mother. She's a teacher, also teaching humanity to her students including don't be so judgemental right away and never hurt someone physically, but here I am, experiencing the same things she taught to every student from her. Perhaps, I am an exception. Kahit nasasaktan man ay hindi ko pinakita sa kaniyang nasasaktan ako kahit gusto nang lumabas ang luha sa mga mata ko. Perhaps if I'll be seen by her crying, it will just push her to abuse my weakness more. I always ask if what did I do to her for me to deserve this kind of treatment. Papa's not her so I don't have an ally. Ang nakikita ko lang na ibang tao rito ay ang paborito niyang anak na si Akisha na maluha-luha nang nakatingin sa 'kin pero tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin. Marami pang masasakit na salita ang natanggap ko pero agaran na akong tumakbo sa kwarto ko para ilabas ang luha sa mga mata kong gusto nang kumawala. I held my chest as it tightened like it is not letting me to breathe. Maybe it's better... to not breathe anymore because I don't really know what's my purpose to live in this world. But I don't know why Caleb's words suddenly appeared on my mind. Okay. If you're being pressured, if fear crept within you, if you're sad, don't forget to pray. Praying is the best weapon to fight for that. He will heal you. Sakto ngayon oh, mag-a-alas sais na. I just found myself doing sign of the Cross because I was in front of the small Altar in my room. I prayed Angelus and Rosary. I can say that throughout the prayer, my chaotic mind earlier became peaceful, the non-stop tears from my eyes stopped, and my tightened chest earlier loosened because I felt His presence, the presence of God. Ilang linggo ulit ang dumaan, nagpatuloy pa rin ang activities sa Youth Ministry every Saturday and Sunday sa Baranggay namin sa simbahan. Today's Saturday at sabi ng youth leader namin na roon daw sa Santo Niño de Plaridel Parish gaganapin ang activities namin ngayon at 1:00 pm. The parochial church and the center. Medyo malayo kaya kailangan talagang mag-commute, maybe 15 minutes bago makarating. "Ate, saan ka pupunta?" Akisha asked when I went downstairs from my room. Nakabihis na ako dahil alas dose kinse na. Tapos na rin naman akong kumain. I gave her my coldest stare. Napansin kong wala si mama rito sa sala. "Sa simbahan." "Sama po ako!" She held my hands, begging pero agad ko ring binawi ang kamay ko na ikinagulat niya. "Hindi pwede, Akisha." "Anong— pinapagalitan mo ba kapatid mo, Ashia?!" Narinig ko ang dali-daling pagbaba ni mama sa hagdanan galing sa kwarto nila papa. "Lucie, tumigil ka nga. Hindi pinagalitan ni Ashia si Akisha," pagpapaintindi ni papa kay mama likuran ko na nanggaling pala sa kusina na nakarinig ata sa amin kanina. "At saan ka na naman pupunta?! Doon sa nobyo mo?!" "Wala nga ho akong boyfriend, Ma. Makinig naman po kayo sa 'kin. Hindi ko 'yon boyfriend," mahinahon kong saad. "Lucie, tama na. Aalis na ang anak natin. Activity sa youth ang pupunta niya, okay? Paniwalaan mo naman ang anak natin." Nagpaalam na ako sa kanila ilang sandali. Nagmano ako bago umalis sa kanilang dalawa pero tinabig lang ni mama ang kamay ko na hinayaan ko lang. I was wearing a black t-shirt. Required maman na kahit anong kulay ng t-shirt ang susuotin. I brought a small backpack with a notebook and a ballpen inside because it will be needed later. Agad na akong sumakay ng naparang jeep patungong Plaridel Parish at ilang minuto pa'y nakarating na rin ako. When I reached the church, I immediately looked up to read the name of the church. Sto. Niño de Plaridel Parish Church, I smiled. Every time I am inside or outside a church, it feels like I am in the paradise with God. Nag-sign of the Cross agad ako. Malaki ang simbahan. This is the biggest among the churches and chapels that are belong in this Parish, including the San Nicolas de Tolentino Church, the church in our Baranggay. May malaking gate na nakabukas kaya agad akong pumasok at iginala ulit ang mga mata sa itaas. Mayroon sing bale rooftop sa itaas. The end of the bell reached so far kaya may mataas ding nakatabon dito. Sa simbahan na ito rin nagkakaisa ang mga tao mula sa iba't-ibang chapels tuwing may misa sa mahal na araw. "Ashia! Long time no see!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang may isang babaeng umakbay sa 'kin. I glanced at her and I realized that it was Venice. She was wearing a violet t-shirt at nakalugay lang ang kulot na buhok. I admit that she's pretty. "Yes. Why?" Lumaki ang ngiti niya at mas lalo pa akong inakbayan na ikinairita ko na naman. Inalis niya rin ang akbay sa 'kin at may kinuha bigla sa bag niya. Kahit gusto ko mang pumasok sa loob ay may nag-udyok sa 'kin na hintayin siya. She brought one piece of yellow pad paper out of her small backpack. Mahaba at maraming salita ang nakasulat doon na ikinakunot ng noo ko. "Ito na ang essay na may naglalamang one thousand words na reasons ko why I want you to be my friend, Ma'am Ashia!" Nanlaki ang mga mata ko. It's been three weeks since our last talk about that thing pero ngayon lang siya nagparamdam at may dala nang essay na sinabi ko. Oh my God, I was just kidding! "Gulat ka, 'no? Ang cute mo namang magulat, Shia! Ilang linggo ko 'yan pinaghirapan kaya sana basahin mo, hehe. At sana pwede na kitang maging... kaibigan." She handed me the paper at dahan-dahan ko 'yong tinanggap na gulat pa rin. I didn't expect this! I read the last part first, it really consists with one thousands words kasi nakasulat doon, back to back pa talaga ang nasulatan niya. Under the words 'one thousand words' her whole name was written. Amor Venice Gonzalez She really wants me to be her friend, and I guess I don't have any ways to escape anymore. I don't want her effort to be put in vain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD