CHAPTER 3

1109 Words
“Tinay!” malakas na tawag mula sa labas ng kanilang bakuran. Agad naman s’yang nagkumahog palabas para silipin kung sinuman ang gumagambala sa pagsisyesta niya. “Ano ga namang ingay iyan! Ka-inaman na, tanghaling tapat ah!” mumukat-mukat niyang bungad. “Tinay, ang Lola mo!” sigaw ng tsismosa nilang kapit-bahay. “Ha, aba’y bakit?” “Ang Lola mo, Tinay! Hinimatay sa may kapitolyo,” pandalas na sigaw nito habang iminumwestra ang pangyayari. Mabilis siyang kumilos, labis-labis ang pag-aalala niya sa kanyang Lola. Dadalawa na lang sila sa buhay kaya’t kung may mangyayari rito ay matutuluyan na s’yang maging ulila. Sa pampublikong ospital na siya dumiretso. May nakapagsabing doon daw dinala ang kanyang Lola. Agad n’ya itong hinanap pagdating n’ya doon, nasa ICU raw ito dahil may pumutok na ugat sa ulo nito. Labis ang awa niya nang makita niya itong nakaratay sa kama at may naka-kabit na oxygen at kung anu-ano pang-aparato. “Dyos ko naman! Ano ga naman hong pagsabok areh, siya na laang ho ang maroon ako, wag ninyo naman po s’yang kukunin sa akin,” samo n’ya habang nakatingin sa salamin sa labas ng kinalalagyan nito. Ilang sandali pa ay lumabas na ang Doctor na tumitingin sa kanyang Lola. Saglit silang nag-usap nito. Lalo s’yang nanlumo sa sinabi nito na kailangan daw ilipat ang Lola n’ya sa isang pribadong ospital sa bayan dahil kulang ang pasilidad ng pampublikong ospital sa baryo nila. Napapikit s’ya nang mariin nang umalis na ang kausap sa harap n’ya. Paano na ngayon? Ano nang gagawin niya? San s’ya kukuha ng pera para sa operasyon nito? Sapat lang ang kinikita n’ya sa pagtitinda para sa pagkain nilang mag-lola. Minsan nga ay kinukulang pa iyon. ‘Di ba nga, kaya hindi s’ya nakapagtapos ng highschool ay dahil sa kakulangan nila sa pera. Kinailangan n’yang magtrabaho nang maaga dahil matanda na ang kanyang Lola at hindi maatim ng konsensya n’ya na magbanat pa ito ng buto para sa pag-aaral n’ya. Huminto s’ya sa pag-aaral kahit labag iyon sa loob n’ya. Kahit naman ang Lola n’ya ay ayaw ding huminto siya, pero mas minabuti na n’ya iyon kaysa hayaan itong mahirapan pa para sa kanya. Wala sa sariling naglakad siya pauwi. Kailangan n’yang dumelehensya ng pera para ma-ilipat ang kanyang Lola sa bayan. Hindi n’ya alam kung paanong sa haba yata ng nilakad nya’y tila hindi man lang s’ya nakaramdam ng gutom at pagod. Batuhan at alikabok ang kanyang dinadaanan. Santing na rin ang init ng araw. Medyo nakakaramdam na s’ya ng hilo dahil sa init. Nang may biglang humagibis na namang sasakyan. At muli, sa pangalawang pagkakataon, nakatikim na naman s’ya ng alikabok bilang pananghalian. “Animal ka! Bumangga ka sana! Wala kang konsederasyon!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya habang pinapahid ang luha. Labis na awa sa sarili ang kanyang nararamdaman. Nanlalabo na ang kanyang mga mata hanggang sa bumagsak s’ya at tuluyang magdilim iyon. Rondelle was driving his car, as if he was the owner of the road. Yes, he owns this part of the road, dahil sakop na iyon ng lupain malapit sa hacienda. Isang babae ang nasa gilid ng kalsada ang nadaanan n’ya. Napangisi s’ya nang biglang maalala ang babaeng sumubok na akitin siya. A gold-digger low class b***h. Fuck all womens in this planet, except her mom, of course! Pare-parehas lang ang mga ito lahat to his beliefs. Gold digger! Seducer! Cheater! And a Prostitute! What else? He screwed his engine nang tumapat s’ya sa babae. Nagngangalit ang tunog ng gulong ng kotse n’ya, when he does the drift. Napangiti s’ya nang makitang halos umusok ang kalsada dahil sa alikabok, at lalo s’yang napangisi nang makitang halos magkanda-ubo ang babae sa ginawa n’ya. Isn’t it evil? He questioned himself at ipinagkibit balikat na lang ang kanyang ginawa. He was enjoying the view, habang literal na kumain ito ng alikabok. He was smiling to his evil deed. “f**k!” he shouted and step on the breaks. Literal na napamura s’ya nang makitang bumagsak ang babaeng nilampasan n’ya sa kalsada. Yes, he hates woman, pero hindi naman s’ya ganoon kasama para iwan itong nakahandusay sa daan. It was his fault, anyway. Agad s’yang umatras at huminto sa mismong tapat nito at mabilis na umibis ng kanyang sasakyan. “Hey Miss?” Yugyog n’ya rito, nagbabakasakaling magising ito. Bahagya na rin s’yang nakaramdam ng kaba nang hindi ito kumikibo. Inalis n’ya ang buhok na tumatabing sa muka nito. Natigilan s’ya ngunit saglit lang. He was able to compose himself. He’s just felt something inside of him that he didn’t feel long ago. Siguro nakalimutan na n’ya ang pakiramdam na iyon kaya hindi na n’ya kayang pangalanan pa. “s**t!” he murmured when he lifts the woman inside his car. Nagmamadali n’ya itong ipinasok sa backseat ng kotse n’ya at nagmamadaling lumayo rito. Ayaw n’ya ang pakiramdam na naramdaman n’ya ng pangkuin n’ya ang walang malay na dalaga. Nagmamadali n’yang binuhay ang makina ng sasakyan at pinahaharurot iyon. Sinusulyapan n’ya ito mula sa rear mirror. “f**k! Doesn't she have a nice dress to wear?” Pinakatitigan n’ya ito mula sa salamin. The dress that this woman is wearing was similar to Yaya Denang’s dress. Mas ma-ikli nga lang iyon kumpara sa suot ng matanda. Bahagyang nakalitaw ang morena’t mabibilog nitong mga hita. Pinasadahan n’ya iyon ng tingin mula sa paa, well maintained long legs without any traces of scar, flawless indeed. Automatic na naglakbay ang mga mata n’ya sa itaas na bahagi nito. Nakasubsob ang pagkakahiga nito sa backseat. Natatakpan ng mahabang buhok nito ang sariling mukha sa pagkakatagilid nito. Tanging nakalitaw ay ang leeg nito at ang neckline, hanggang sa umbok ng mayaman nitong hinaharap na natatanaw n’ya dahil sa pagkakalaylay ng suot nitong bestida. “Damn it!” mura n’ya kasabay nang sunod-sunod na paglunok. Naninikip ang paghinga n’ya sa kung anong tinatakbo ng kukote. He need to stop it, bago pa s’ya muling umasa sa wala. He’s tired of hoping, at ayaw na n’yang mabigo. Pinahaharurot n’ya nang mas mabilis pa ang sasakyan. Ayaw n’yang mas matagal na maramdaman ang presensya nito na malapit sa kanya. It was disturbing his whole being. Binuhat niya ito papasok sa mansyon. Agad naman s’yang dinaluhan ni Aling Denang. Nakikita n’ya ang pagtataka sa mga mata ng matanda pero nanatili itong tahimik at hindi na nagtanong pa. Inutusan n’ya itong linisan ang babae at gamutin kung may sugat ito, at pakainin na rin kung magigising ito. Nakahinga s’ya nang maluwag nang makalabas ng kwarto. Mainit ang pakiramdam n’ya nang muli n’ya itong pangkuin papasok sa loob. At hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman. The heat coming from that woman’s body was scorching hot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD