Bumalik sila ng binata sa mansyon nang magkahawak-kamay. Mula pagsakay niya sa 4x4 nito, hanggang sa pagbaba ay hindi nito halos binatawan ang kamay niya. At aminin man niya sa hindi, talagang tinatambol ang puso niya sa kilig. Lalo na nang akbayan siya nito kahit pa kaharap ang mga tauhan nito sa mansyon. Hindi niya maiwasang mahiya, lalo na kay Nay Denang, na alam niyang matandang makaluma ang pag-iisip. Ano na lang ang iisipin nito? Na inakit niya ang amo nila kaya gan'on na lang ito kalapit sa kanya. Nasa gan'ong pag-iisip siya nang mahagip ng paningin niya ang pamilyar na nilalang sa di kalayuan. Masama ang tinging ipinukol nito sa kanya mula sa labas ng gate ng masyon. Kilala niya iyon, dahil lahat naman halos sa baryo ay nakakasalamuha niya. Kung hindi kalabisang ituring itong k

