"Baby?" bulong nito sa ka'nya habang nakayakap ito sa bewang niya mula sa likuran. Nakahiga silang dalawa sa kama, sa loob ng kwarto niya. "Hmm, ano 'yon?" tanong niya, pagkatapos ay pumihit siya paharap sa binata. Aminado siyang sa mga oras na ito ay kinikilig siya. Sino ba naman kasing hindi kikiligin kung may katabi ka'ng ganito kagwapo. "I really wanted to be with you," ani nito habang hinahaplos-haplos ang buhok niya. Bakit ba ganito na lang magpakilig ang lalaking ito'. Grabe, baka magka-diabetes na siya sa katamisan "You're not gonna leave me, right?" Aba at may pa ga'non pa! "Right, Celestine!?" untag nito sa ka'nya na nagpabalik sa ispiritu n'yang tinangay na ng kilig. " You're not gonna leave me, right!?" ulit nito. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo d'yan? Matulog ka na nga!

