Chapter 5

1391 Words
Reena De Ocampo Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Malamang sa ospital ang bagsak matapos akong mahilo at- Mabilis akong napahawak sa tiyan ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko nang maalala ang nangyari kanina. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng dugo sa binti ko bago ako tuluyan mawalan ng malay. Babies ko, hindi niyo naman ako iniwan, no? Nand'yan pa rin kayo sa tummy ni mama, no? "'Wag kang mag-alala okay lang naman ang baby mo sabi ng doktor na tumingin sa'yo kanina." Napalingon ako sa gilid at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa maliit na sofa. Ang tatay ng babies ko. Hindi ko inaasahang makikita ko pa siya pagkagising ko. Kung ibang lalaki pa siguro ang nakabuntis sa'kin at walang balak ako'y panagutan malamang sa malamang sisibat na 'yun at hindi na magpapakita kahit kailan. Pero ang lalaking 'to, nandito pa rin sa harap ko at pinakatitigan ako ng mabuti na parang may isa pang ulo nalalabas mula sa'kin. "Miss, gusto ko lang klaruhun sa'yo na hindi talaga kita kilala at mas lalong hindi ako ang ama pinagbubuntis mo." aniya. "Pe-pero ikaw talaga 'yung katabi ko sa kama kinabukasan. Hindi ako magkakamali kinabisado ko muna buong mukha mo bago kita iniwan no'n nang umagang 'yun." 'Hindi ko talaga malilimutan ang maamo mong mukha, mahahabang pilik mata, matangos na ilong ang mapulula mong labi na kay sa harap halikan.' sa isip ko. "Paulit-ulit mo ngang binabanggit ang pangalang Valerie nang gabing 'yun. Teka, 'yung Valerie ba ay 'yung kasama mo kanina? Naku! Pasensiya ka na talaga. Hindi ko naman intensyong sirain kayo ang sa'kin lang naman may malaman mong buntis ako. Hindi rin ako hihingi ng sustenso may trabaho." "Pakiulit nga 'yung sinabi mo?" aniya. "Alin do'n?" Habang-haba ng sinabi ko hindi naman pala nakikinig. "'Yung una, may binanggit kang pangalan." aniya. "'Yung Valerie?" Nangunot ang noo ko nang mabilis niyang dinukot ang cellphone niya sa bulsa. "Ito tingnan mo." aniya habang pinapakita sa'kin ng dalawang lalaking magkamukha. 'Yung isang lalaki nakasimangot habang ang isa ay tawang-tawa habang nakayakap sa nakasimangot na lalaki. "Itong nakasimangot na lalaki siya si Trivor at sigurado akong siya ang ama ng baby mo." aniya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako pa talaga ang pinagloloko mo. Malamang sa malamang edited 'yan. Uso kaya sa ngayon ang photoshop. Nagpapalusot ka pa, e, huling-huli ka na. 'Wag kang mag-alala wala naman akong balak na hingan ka ng sustento. Ang akin lang naman ay alam mong nag-e-exist sila at saka wala akong balak na sirain ang relasyon niyo ni Valerie. Siya nga pala, ihingi mo ako ng tawad sa kanya. Malamang hindi niya ako haharapin pagkatapos ng ginawa ko." Bigla naman akong nalungkot. Siguro isinumpa na ako ni Valerie sa ginawa ko. Sabay kambing napalingon ng tatay ng babies ko sa pinto nang may kumatok. Mayamaya'y pumasok ang isang doktor na may dalang clipboard. "Good afternoon Mr. and Mrs.-" Naputol ang sinasabi ni doktora nang sumingit ako. "Ah, Doc, miss pa po ako." Nakangiting ani ko. "At hindi po ako ang ama ng pinagbubuntis niya. 'Yung kakambal ko po." ani naman ng isa. Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagdidiinan talaga niya na may kakambal siya. "Anyway, Miss De Ocampo, maayos naman po ang babies niyo. Mag-" Naputol na naman ang sasabihin ni doktora nang sumabat itong lalaking 'to. "Babies? Kambal ang anak niyo ng kakambal ko?" aniya. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. Ma-i-stress lang ako sa lalaking 'to. Baka mapaagang labas ang babies ko dahil sa konsumisyon na binigay ng ama nila. "'Wag mo ng intindihin ang isang 'yan doktora. Hindi pa nakakainom ng gamot 'yan." Hindi na nagreklamo at tahimik lang na nakaupo sa tabi. Mabuti naman para magkaintidahan kami ni doktora. "As I was saying, nasa maayos na kalagayan ang babies niyo. Mabuti na lang at matindi ang kapit ng dalawa sa'yo. Iwasan lang natin ang ma-stress. Baka sa susunod na mangyari 'to ay may mangyari ng masama." ani ng doktora. Chi-neck muna ako ni doktora at nerisitahan ng mga vitamins bago nagpaalam at lumabas na ng kwarto. "Anong ginagawa mo bakit-wooh! Ibaba mo ako baka maipit 'yung mga anak ko." Ikaw ba'y kargahin na parang sako. Dahan-dahan niya akong binaba at siya na ang nagtuloy sa ginawa kong pagliligpit. ---***--- "Saan mo ba ako dadalhin? Dalawang oras na ata nating binabagtas 'tong kalsada at saka masakit na ang balakang ko sa kakaupo rito." Matapos niyang magpaka-good samaritan sa ospital bigla-bigla na lang niya akong kinidnap at hindi ko na alam kung saang lupalop kami na roroon. "Nandito na tayo. Bumaba ka r'yan." aniya. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse hanggang sa main door. Kakatok na sana siya nang bigla itong bumukas at sinalubong kami ng isang lalaking nakasuit. At do'n ko lang napansin na halos lahat ng lalaking nandoon ay pawang nakauot ng suit. "May magaganap bang party rito kaya sila nakasuit." "Wala naman. Trip lang kasi ng ate namin na maggaganyan sila. Halika pasok na tayo." aniya. Siya ba ang sinabi nitong si Claire?" Sabay kaming napalingon sa may staircase nang may narinig kaming nagsalita. Isang maganda at buntis na babae ang pababa ng hagdan. Napalunok ako nang makitang mariing siyang nakatitig sa'kin. "Ate, stop looking at her like that. Tinatakot mo siya." aniya. "I'm sorry. Anyway, I'm Suzanne Media-Hayes, pinsan ng tukmol na 'to. And you are?" ani ni Suzanne. "Reena De Ocampo." "Reena, totoo bang si Travis ang ama ng pinagbubuntis mo." ani ni Suzanne. "Ate naman, hindi nga ako ang nakabuntis sa kanya. Si Trivor. Tinawag pa nga siyang Valerie habang nag-aano sila at-" Hindi natapos ng lalaking 'to ang sasabihin nito nang magsalita si ate Suzanne. So, ngayon o na kung saang nagmana sa pagsabat 'tong lalaking 'to "Travis. Enough. Puntahan mo na si Claire ako ng bahala rito kay Reena. Gusto ko rin siyang makausap ng sinsinan." ani ni Suzanne. Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita niya at ang mga tiningin na binibigay niya sa'kin ay mas lalong nagkaba sa'kin. "Maiwan na muna kita rito, Reena. Susuyuin ko pa 'yung reyna ko. 'Wag kang mag-alala hindi nangangagat 'yang si ate." aniya saka kumaripas ng takbo at do'n first time kong makita ang lumilipad na tsinelas. "Pagpasensiyahan mo sa ang isang 'yun. Anyway saan ka nakatira? Nag-aaral ka pa o nagtatrabaho na? Anong trabaho mo?" aniya. Para naman akong nasa interrogation nito. "Nakatira po ako sa may Quezon City. Nagtatrabaho na po ako sa restobar." "Bar? Sigurado ka bang si Trivor ang ama ng pinagbubuntis mo?" Marahan akong tumango. So, totoo pala talagang kambal sila. Si Travis at Trivor. Kaya rin pala kambal ang babies ko dahil may lahi talaga ng kambal ang papa niya. "Hindi po dancer ang trabaho ko, kung 'yun po ang nasa isip niyo. Cashier po ako at nakaassign po ako sa restaurant." Madami pa kaming napag-usapan ni ate Suzanne. Oo, ate Suzanne ang nais na itawag ko sa kanya since parte na raw ako ng pamilya nila. Hindi naman pala siya nakakatakot o masungit. Bad mood kasi siya kanina dahil sa asawa niyang tinakbuhan ang responsibilidad. "Puputulan ko talaga ang lalaking 'yun kapag nakita ko siya. Gagawa-gawa ng bata tatakasan din naman pala." aniya. "Kaya ikaw 'wag mo ng pakawalan 'yung pinsan kong pinaglihi ata sa sama ng loob. Pakiramdam ko kayong ng anak niyo ang magbabalik sa dating Trivor na kahit tahimik ay masayahin naman." aniya. Brokenhearted naman pala talaga itong papa niyo babies. Tandaan niyo ang mission natin ang muling pasayin ang papa niyo. "Gabi na pala. Dito ka na maghapunna at matulog. Pinaayos ko na ang guest room kanina." aniya. "Hindi na po ate Suzanne. Naghihintay po sa-" Napatakip ang bibig nang maalala ang pinsan ko. Lagot ako nito. Paniguradong nag-aalala na sa'kin ang baklang 'yun. Naiwan ko pa naman ang cellphone ko sa kotse niya. "Naghihintay?" aniya. "Opo. Pinsan ko po. Siya po ang kasama ko sa mall bago ko pa makita sina Travis kanina." "O siya sige, ipapahatid na lang kita. Malayo-layo pa naman 'tong lugar namin baka mapano pa kayo sa daan." aniya. "Salamat po ate Suzanne." ---***--- "Salamat po kuya driver sa paghatid." Sumaludo lang siya sa'kin saka sumukay ulit sa kotse. "MARY REENA DE OCAMPO! SAAN KA GALING?" Lagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD