Trivor McCain "Boss, pinasok ng grupo ni Agustin ang warehouse natin. Tinangay nila ang primera klaseng uri ng baril pagkatapos ay sinunog nila ang buong warehouse." ani ni Adam. "Madumi talagang makipaglaro 'yang Agustin na 'yan. Sinasamantala ang kahinaan mo, Kams." ani ni Travis. "Boss, si Mr. Yamagotchi at ang ibang kasamahan niya ay lumipat na rin kay Agustin. Nawawalan na raw sila ng tiwala sa'tin lalo na't nakarating na sa kanila ang balitang ninakaw ang mga baril at sinunog ang warehouse natin." Pagpatuloy ni Adam. "Anong plano mo ngayon, Trivor?" ani ni Kuya Clay. "Hihintayin ko muna ang tao ko roon." Lingin sa kanilang kaalaman may tao akong pinadala roon sa kampo ni Agustin upang maging espiya. "May espiya ka roon? So, alam mo ang nangyari kay-" Hindi natuloy ni Travis an

