Tana Pinagmamasdan ko ang mukha ng dalawang munti kong anghel na nakahiga sa kanilang kuna. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling ito parang kailan lang mag-isang buwan na ang lumipas simula ng isinilang ko sila Xander and Xavier iyon ang mga pangalan na ibinigay ng kanilang ama. Hinaplos ko ang kanilang maputi at napakalambot na balat ng may pagmamahal at pag-iingat. Napakagwapo ng aking mga anak kamukha sila ng kanilang ama wala man lang nakuha kahit isa mula sa akin. Hiinalikan ko sila sa kanilang mga noo bago binuhat ang isa sa aking kambal na si Xander at sinimulan ko na itong pasusuhin sa aking dibdib ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Hendrix. Nakatitig ito sa akin kaya bigla akong tumalikod pakiramdam ko ay nag-iinit ang aking mukha. Dahil

