Chapter 11

1329 Words
Hind ko na napigilan pa ang aking sarili dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ay bigla akong yumakap ng mahigpit kay sir Hendrix at saka ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. "Thank you so much sir Hendrix!!” Ang naiiyak kong sabi dito. "Ito ang pinakamagandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko salamat po!" Naramdaman ko ng yakapin din ako nito pabalik saka hinalikan ako sa ulo “Could you please remove po and sir' masakit pakinggan eh.” Ang sabi nito sabay sumimangot ito. Dahil sa inakto nito ay hindi na napigilan ni Tana ang mangiti para sa kanya eh lalong naging gwapo si Hendrix sa kanyang paningin kapag nakasimangot ito o di kaya'y seryoso. "Sige H-Hendrix...” Ang nahihiya kong tugon dito dinampian niya ako ng halik sa noo saka iniharap sa gitara na nasa ibabaw ng kama, lumapit siya rito at dinampot ang gitara bago iniabot sa akin. Ito ‘yong mamahaling gitara na nasa Mall noon nung mapagbintangan akong shoplifter. "Kunin mo, nakita ko kasi na luma nang masyado ang gitara mo kaya naisipan kong palitan na natin ng bago.” Ang nakangiti nitong sabi sa akin, nakangiti ko naman itong tinanggap "Salamat..." anya dito saka lumapit sa kanya at ginawaran siya ng isang halik sa labi. Dahil hindi naman ako marunong humalik ay dampi lang ang ginawa ko, ngunit nagulat ako ng bigla akong kabigin nito at palalimin ang halik. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko habang patuloy na hinahalikan ako sa labi. Pakiramdam ko ay namamaga na ang aking mga labi at bahagya na rin akong nauubusan ng hangin saglit siyang tumigil at pinagdikit ang aming mga noo. "Sweetie dito ka lang sa tabi ko, ayoko na makikipag-usap ka sa kahit na kaninong lalaki. Gusto kong sa akin lang ang atensyon mo at kapag dumating ang panahon na nasa tamang edad ka na magpapakasal tayo para tuluyan ka ng maging akin.." Ang sabi nito sa akin habang dinadampian ng halik ang aking labi gayundin ang aking mukha. Bawat halik at haplos nito ay nag-iiwan ng kakaibang pakiramdam parang kuryente na gumagapang at nanunuot sa aking mga kalamnan. Nakaramdam ako ng kasiyahan sa mga naririnig ko sa kanya dahil nararamdaman ko na mahal ko na siya. Sa kanya lang tumibok ang batang puso ko at siya ang kauna-unahang lalaki na hinayaan kong mapalapit sa akin. Magaan din ang loob ko sa kanya dahil kahit bago pa lang kaming magkakilala ay ipinagkatiwala ko na ang lahat sa kanya na parang pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala tumango ako tanda ng pagsang-ayon sa mga sinabi niya sa akin. Isang magandang ngiti ang sumilay sa mga labi nito na kay sarap pagmasdan. Mangako ka na susundin mo lahat ng sinabi ko." Ang sabi ni Hendrix. "Pangako sayo lang ako at susundin ko ang lahat ng sinabi mo." Ang sagot ko naman sa kanya nakita kong ngumiti ng matamis si Hendrix na ngayon ko lang nakita. Napaka-gwapo talaga niya lahat na yata ng babae ay papangarapin ang isang katulad nito, napakaswerte ko naman at ako ang nagustuhan niya. “Itabi mo muna yan d’yan nakahanda na ang lunch natin sa baba." Ang sabi nito sa akin kaya inilapag kong muli ang bago kong gitara sa kama at saka kinuha ang palad ni Hendrix at pinagsalikop ang aming mga kamay. Makikita sa mukha ni Hendrix ang kasiyahan dahil sa ginawa ko, sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto.” "Sweetie next time ayoko na gagawin mo ulit iyong magcutting classes specifically ang tumalon sa bakod. Hindi magandang tingnan sa isang babae.” Ang sabi ni Hendrix habang kumakain ng kanilang pananghalian. “Sorry hindi na mauulit" Ang nahihiya nitong sagot na bahagyang namumula ang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman saka nagpatuloy sa pagkain, habang nakamasid lang si Hendrix kay Tana na ganadong kumakain. “By the way nakapili ka na ba ng course na gusto mo sa college para mahanapan na kita ng school na papasukan mo?" ang tanong nito kay Tana na siyang ikinatigil nito sa pagsubo at lumingon kay Hendrix. "Hindi pa, kasi naghahanap pa ako ng another part time job para makaipon ako ng pandagdag sa tuition fee ko," ang sagot ni Tana saka pinagpatuloy na ang pagkain "You don't have to work ako ng bahala sa lahat, by the way I need to go may importante lang akong pupuntahan babalik din ako kaagad." Pagkatapos punasan ng table napkin ang kanyang bibig ay tumayo na kaagad si Hendrix at lumapit sa kanya nakatingala naman siya habang nakatingin dito at hindi na siya nagulat ng halikan siya nito sa labi bago tumalikod upang lumabas ng dining room. Kasalukuyang nasa hardin si Tana nagmamasid sa mga bulaklak na nasa harapan niya. "Señorita baka gusto n’yo po ng juice or kahit na anong makakain," ang tanong sa akin ng isang babaeng nakasuot ng puting uniform ng maid. “Hhhmm anong pangalan mo?" ang tanong ko dito. "Juliet po, ako po ang nakaassign na mag-asikaso sa inyo, kaya kung may kailangan lang po kayo ay magsabi lang po kayo sa akin,” ang mahabang litanya nito. "Pwede bang Tana na lang ang itawag mo sa akin? ayoko kasi na tinatawag akong señorita" ang sabi ko kay Juliet. "Naku! baka mawalan po ako ng trabaho kapag ginawa ko ‘yon pasensya na kung hindi ko maibibigay ang nais mo señorita." Napahinto kami sa pag-uusap ng mapansin namin ang isang puting kotse na pumasok ng gate. Nang maiparada ang sasakyan ay bumaba ang isang magandang babae, napakasexy nito kung titingnan mo ay para itong isang modelo. “Sino po siya?” Ang tanong ko kay Juliet. “Mam Carla po ang pakilala niya sa amin girlfriend daw po ni Señorito." Nagulat siya sa kanyang narinig at natahimik siyang bigla. Naramdaman na lang niya na parang bumigat ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandaling ito. May nobya na pala si Hendrix eh, bakit pa niya ako hinahalikan at niyayakap!? bakit pa niya ako tinatawag na sweetie kung may mahal naman pala siyang iba!? Dahil sa mga katanungang ito ay nakaramdam ako ng galit para kay Hendrix. "Asan ang Sir n’yo?" ang maarteng tanong nito sa mga katulong at diretsong pumasok sa loob ng kabahayan na parang akala mo ay pag-aari niya ang bahay na ito. Nakacross legs itong umupo sa mahabang sofa kaya lumitaw ang makinis nitong hita. Hindi ko gusto ang babae, naartehan ako sa kan’ya kaya naman may kung anong kalokohan ang pumasok sa aking utak pasimple akong lumapit dito kaya naman kaagad akong napansin nito. “Hmmmm, may bago na naman palang katulong si Hendrix?” Ang sabi nito nakatingin sa akin, bago tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo sabay taas ng kaliwang kilay nito. “Ikuha mo nga ako ng juice." Ang maarteng utos nito sa akin. “Ma’am Pasensya na po, ako na lang ang kukuha para sa inyo kasi hindi po siya katulong dito." Ang sabi ni Juliet. "Ikaw ba ang kinakausap ko!? Huwag kang sasabat kapag hindi ikaw ang kinakausap, hindi porket wala ang sir n’yo dito ay pwede n’yo na akong bastusin ng ganyan!" Anya habang nakaduro ang daliri nito kay Juliet . Ngumiti ako ng matamis sa kanya bago magsalita. "Ok po Ma'am, ikukuha ko po kayo ng maiinom wait lang po ha..." Anya sa malambing na tinig bago ko ito tinalikuran at lumakad na palayo. Nahuli ko pa ang pagtapon nito sa akin ng matalim na tingin bago bumalik sa pagkakaupo. "Señorita ako na po ang kukuha baka magalit sa amin si Señorito." Ang sabi ni Juliet sa akin. "Sshhhh...” ang mahina kong awat dito habang ang hintuturo ko ay nakalagay sa tapat ng aking bibig kaya pati ito ay napahawak sa sariling bibig. Wala naman itong nagawa kundi ang tumahimik at sumunod sa mga sinasabi ko habang ang ibang kasamahan nito ay matamang nakamasid at makikita sa kanilang mukha ang labis na pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD