Chapter 8

2022 Words
Tana kanina ko pa hinahanap si Ash halos naikot ko na ang lahat ng lugar na maaaring puntahan nito pero hindi ko pa rin siya makita. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba para dito at ngayon ay patungo ako sa likod ng school dahil iyon na lang ang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Napatigil ako sa paghakbang ng makarinig ako ng tila nag-uusap at kilala ko ang boses na yon. "So, paano ba yan mag-isa ka lang ngayon, nasaan ‘yong kaibigan mong anak ng prostitute? if I know katulad din siya ng nanay niya na kung sino-sinong lalaki ang sinasamahan!" Ang narinig kong sabi ni Cheska na sinabayan pa niya ng malanding tawa. kilala ang grupo ni Cheska sa pambubully sa mga estudyante, madalas naming makabangga ang grupo nito. “Hindi malandi ang kaibigan ko ikaw ang malandi dahil sa dami ng naging boyfriend mo I'm sure hindi ka na virgin!" Ang nang-aasar na sabi ni Ash kay Cheska kasunod non ay isang malakas na sampal ang aking narinig kaya dali-dali akong lumapit sa kanila. Nang makalapit ay tinulak ko si Cheska na muntik ng matumba kung hindi lang nasalo ng boyfriend nito. “Oh, nandito na pala yung anak ng prostitute.” Ang sabi naman ng kaibigan ni Cheska. "Bawiin mo ang sinabi mo! bawiin mo...” Ang galit kong sigaw dito bago ko ito kinuwelyuhan. “Bakit ko babawiin eh totoo naman na nagtatrabaho ang nanay mo sa bar at maraming lalaki ang sinasamahan!” Anya sa malakas na tinig na halos ipagsigawan nito sa mukha ko. Nagdilim ang aking paningin kaya sinuntok ko ang mukha nito na siyang naging dahilan para lumapit sa akin ang mga kasama pa nito. May balak pa atang pagtulungan ako pero sorry sila dahil ako ang klase ng tao na hindi nagpapatalo. Lumapit ang ilan sa mga kasamahan nilang lalaki ang isa ay sinubakan akong suntukin na nailagan ko naman. Binuhos ko ang lahat ng aking galit sa kanila. Ginantihan ko ito ng sipa sa sikmura, natumba ang lalaki sa sahig na namimilipit sa sakit habang hawak ang bandang tiyan nito. Napansin kong susugod ang kasama nitong babae kaya mabilis kong hinablot ang buhok nito, sinundan naman ito ng isang kasamahan nitong lalaki na akmang susuntok sa akin kaya kaagad akong yumuko saka ko ito sinikmuraan. Patuloy naman sa pagsigaw at halos maiyak na ang babae na nakalimutan ko na palang hawak ko pa rin ang buhok kaya pabalya kong binitiwan ang buhok nito. Lumapit sa akin si Cheska upang sabunutan ako kaya naghanda ako at sinuntok ko ito sa mukha ngunit hindi ko inaasahan na haharang ang boyfriend nito kaya ito ang sumalo ng suntok ko na siyang ikinabagsak nito sa lupa at namimilipit sa sakit. Nahawakan ni Cheska ang aking mahabang buhok, galit na sinabunutan ako nito kaya nakaramdam ako ng pananakit sa aking anit. Buong lakas ko na iniuntog ang aking ulo sa kanyang mukha at nakita ko itong nawalan ng malay maging ako ay nasaktan sa aking ginawa kaya sigurado ako na bubukol ang bahaging iyon. “Tana!” Ang narinig kong sigaw ni Ash kaya paglingon ko ay isang suntok ang sumalubong sa mukha ko mula sa isa sa mga ito. Tumama sa aking panga ang suntok nito, naramdaman ko na lang ang mainit na likido na umagos sa aking labi kaya ginantihan ko ito ng suntok na siyang ikinaupo nito sa semento. Maraming estudyante na ang umawat sa amin habang si Ash ay umiiyak na nakayakap sa aking likuran hindi ko na rin namalayan ang paglapit ng aming Principal. "Call your guardian and bring them all here right away!!! all of you In my office now....!!!! ang galit na sigaw nito na halos mamula na ang buong mukha dahil sa pagpipigil ng galit. Hendrix POV Habang nasa meeting ay panay ang tingin ko sa aking cellphone tinitingnan ko ang picture ng mahal ko. Isa itong stolen shot na naka side view ang dalaga habang nakangiti ito, ang ganda talaga niya sa larawang iyon na siyang ginawa kong wallpaper ng cellphone ko. Habang nakatitig sa cellphone ay biglang may message na nag-appeared galing sa tauhan ko na nakaassign kay Tana. Kaagad ko itong binuksan, isa pala itong video kaya kaagad kong pinanood ang video at hindi ako makapaniwala sa aking napanood. Parang biglang sumakit ang ulo ko at nakaramdam ng galit ng makita ko kung paano pagtulungan ng mga ilang estudyante si Tana. Lalo akong nagalit ng makita ko kung paano itong nasuntok ng kapwa estudyante nitong lalaki ang magandang mukha ng mahal ko. Isa ‘yan sa malaking problema ko sa dalaga ang palagiang pagkakasangkot nito sa gulo mukhang kailangan ko ata itong turuan ng leksyon. Nag ring ang aking cellphone na agad ko namang sinagot "Yes?" bahagyang tumigil sa pagrereport ang empleyado ko kaya sinenyasan ko itong ipagpatuloy ang kanyang report. "Boss may problema po kay Señorita nasa principal office siya ngayon.” Ang report sa akin ng aking tauhan na itinalaga kong magbantay kay Tana. "Wait! wait! I'm coming.” Iyon lang at pinatay ko na ang tawag. " Let's continue this meeting tomorrow.” Iyon lang ang sinabi ko sa secretary ko at nagmamadali na akong umalis. “ Where is she now?” Ang tanong ko kay Leo ng makarating sa school na pinapasukan ni Tana at sinamahan na ako nito sa principal office nasa labas na ako ng opisina ng marinig ko ang pag-uusap sa loob. “Hindi mo ba alam Ms. Laison na pwede kang hindi makagraduate next Month ng dahil sa ginawa mo!? hindi gawain ng matinong estudyante ang makipag-away. Look what have you've done I need your parents here as soon as possible or else baka hindi ka na makagraduate.” Nasa isang tabi lang si Tana habang nakayuko at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ng kanilang principal. "Hindi ako papayag na hindi managot ang batang iyan sa ginawa niya sa aking anak magbabayad ka!” Ang galit na sigaw ng Ginang kay Tana habang nakaturo ang daliri sa dalaga. " Enough....” Isang baritonong boses ang kanilang narinig na siyang nagpatigil sa kanilang lahat. Ang lahat ay lumingon sa pintuan pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaki na nakasuot ng black na slacks at blue long sleeve bhagya pang nakatupi na hanggang siko ang polo nito halatang kagagaling lang sa trabaho base na rin sa itsura nito. “I'm Ms. Laison's guardian" ang sabi nito na siyang nagpalingon kay Tana. Nanlalaki ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala na nandito si Sir Hendrix. “Ano ang ginagawa niya rito?” Anya sa isipan ng dalaga. Napansin ni Tana na umikot ang mga mata nito at isa isang tiningnan ang apat na studyante na nakaaway niya na pawang may mga pasa sa mukha. Ang ilan sa kanila ay bahagya pang namamaga ang mukha at magulo pa ang mga buhok nila. Huminto ang mga mata nito sa kanya ng magtama ang kanilang paningin bahagyang nagdilim ang mukha nito kaya napalunok si Tana at medyo kinabahan siya. Parang ngayon lang ata siya nakadama ng takot samantalang kanina eh ang tapang-tapang niya. Muling tumungo si Tana hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Hendrix dahil sa kahihiyang nararamdaman. “Come here Tana.” Ang sabi ni Hendrix habang seryosong nakatingin sa akin nakatungo akong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko saka inangat ang aking mukha bahagyang sinuri ang pasa ko sa mukha habang nakatiim bagang ito. “What happened who did this to you?" ang seryosong tanong nito sa akin. Narinig ko ang pagtikhim ng aking teacher. “By the way Mr.?" ang tanong nito kay sir Hendrix "Smith." Ang matipid na sagot ni Hendrix dito. "By the way Mr. Smith, total your the guardian of Ms. Laison I just want to inform you na naghahabol ang mga magulang ng mga estudyante sa nangyari sa kanilang mga anak." Saad ng isang teacher na habang nagsasalita ito'y nakatitig sa mukha ni Sir Hendrix hindi maitatago dito ang paghanga roon, tumikhim si Sir Hendrix bago nagsalita.” “May I know what happened first?" Anya ng nito. "Sinuntok lang naman niya ang anak ko sa mukha." ang sabi ng isang babae sabay hila sa isang binatilyo makikita sa mukha ng binatilyo ang pamamaga ng kaliwang pisngi nito. "Hindi ko naman po intensyon na suntukin siya, kung hindi po s’ya humarang sa harapan ko hindi sana siya ang tinamaan... kaya ginusto niya ‘yan hindi ko na po kasalanan ‘yon." Ang inosenteng paliwanag ni Tana habang nakatungo na pinaglalaruan ang dalawang hintuturo. “Aba’t..!!!? Ang magkapanabay na sabi ng mga magulang at halos lahat ng mata ay nakatutok sa kanya. “Tingnan ninyo kung gaano kabastos ang ugali ng batang iyan..!” Ang sabi ng isa sa mga magulang, napapailing na lang si Hendrix sa sinabi ni Tana. “Aba't talagang batang ito nangangatwiran ka pa kahit mali na ang ginawa mo!?” Ang sabi ng magulang ng binatilyo at akmang susugod kay Tana ang galit na ginang. "Don't you dare to hurt her" ang seryosong babala ni Hendrix na siyang nagpatigil sa babae na bahagyang natakot. “My lawyer will fix everything and I will pay for all the damages that she's have done.” Ang sabi ni Hendrix. "No! why you should to pay them it's their fault kung hindi nila ako binully at hindi sila nag bato ng masasakit na salita about sa nanay ko eh hindi ito hahantong sa ganito!” Ang paliwanag ni Tana sa kanyang side na halatang walang balak magpatalo. “Enough Tana, you should apologize to them,” I told her. "Ayoko!" At nag tatakbo ito palabas ng principal's office. Sumenyas ako sa tauhan ko kaya naharang nila si Tana bago pa iyo makalayo. Lumapit ang aking abogado para siyang mag-ayos ng problema at makipag-areglo sa mga ilang magulang na naroon lumabas na ako ng principal office upang sundan si Tana. “Ano ba paraanin nyo nga ko!” Ang sigaw ni Tana sa ilang mga tauhan ni Hendrix na humaharang sa kanyang harapan. Nagulat ang dalaga ng may biglang humawak sa braso niya at hinila siya nito palabas ng school. Tahimik na nagpatianod si Tana kay Hendrix dahil nahihiya na rin siya sa mga matang nakatingin sa kanila. Makikita sa mga mata ng ilang estudyante ang paghanga para kay Hendrix na wari mo’y mga kinikilig. Parang nakaramdam naman ng inis si Tana dahil sa klase ng tingin na ipinupukol nila kay Hendrix at hindi niya maintindihan kung bakit, kaya nagdadabog at nanghahaba ang nguso niya habang nakasunod sa binata. "Saan ba tayo pupunta?" ang tanong ni Tana kay Hendrix. "Where going home sweetie." Ang sagot nito sa akin kaya tumahimik na lang ako at sumunod sa kanya ng sumakay ito sa isang mamahaling sasakyan ay nagdadalawang isip pa akong sumakay. Dahil sa mga matang nakatingin sa akin, ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa amin kapag nakita nilang sumakay ako sa isang mamahaling sasakyan tiyak na magiging tampulan ako ng tsimis bukas. Tumigil ako sa paghakbang kaya nagtatakang lumingon sa akin si Sir Hendrix na nakakunot ang noo. Aatras na sana ako ng higitin niya ang kamay ko papasok sa loob ng sasakyan kaya bumagsak ang katawan ko sa mga bisig niya at niyakap ako nito ng mahigpit na parang akala mo ay tatakbuhan ko. "Bakit mo ginawa ‘yon sweetie bakit nakikipag-away ka, alam mong hindi maganda ‘yon." Ang tanong nito sa akin kaya bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko at hindi ko na napigilan ang mga luha na naglandas sa aking mga pisngi. Inayos ni Sir Hendrix ang pagkakaupo ko sa kandungan niya, kumilos naman ako at humarap sa kanya saka pasalampak na umupo sa kandungan nito. Habang ang dalawang hita ko ay nasa magkabilang gilid niya, bago ko inilagay ang dalawang braso ko sa leeg nito at ibinaon ang aking mukha mula doon. Natigilan si Hendrix sa ginawa ko at natauhan lang ito ng maramdaman niya ang pagyugyog ng aking mga balikat at ang pagkabasa ng kanyang damit dahil sa mga luha kong pumatak sa kanyang balikat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD