Epilogue

1024 Words

NAPABALIKWAS ng bangon si Almary sa kama at dali-daling tumungo sa banyo. Sumuka siya ng sumuka, iyong halos pati ang atay niya ay sinuka na niya. Napa-angat siya ng kanyang mukha mula sa inidoro nang may humaplos sa likod niya. "Ilang araw ka nang ganiyan 'a, may nakain ka bang panis? O baka acid reflux–" Nabitin sa eri iba pang sasabihin ni Cenon nang bigla na lamang siya nawalan ng ulirat. Nang magising siya ay nakita niyang seryosong nag-uusap ang private doctor nila at si Cenon, bahagya siyang nakadama ng kaba. "Cenon, what happen? Bakit raw ako nagsusuka at nawalan ng malay kanina? Malala na ba sakit ko?" kabadong tanong niya. Lumingon sa kanya si Cenon at kaagad itong lumakad papunta sa kama at umupo ito sa gilid niyon at kinuha ang mga kamay niya at dinala sa mga labi nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD