KAHIT may pag-aalinlangan ay sumama si Almary ng sinabihan siya ni Doc. Marco na sumama siya dito para pumunta sa may exist. Sa may likuran sila dumaan, dahil baka naisip ng doktor na naroon sa may entrance ang angkol niya na maari ngayon ay hinahanap na siya. "Saan tayo pupunta?" hindi niya maiwasang itanong ng palabas na sila sa may building. "Hihintayin natin si Evan. Kinuha niya pa ang kotse niya sa parking lot—" "Teka, teka, bakit naman dinala mo ako dito? At bakit kailangan ni Evan kunin ang kotse niya?" usisa niya at tumigil sa harap ng lalaki. Hindi niya talaga maiwasang mamangha sa pagkakatulad ng mukha ng lalaking nasa harap niya sa celebrity crush niyang si Tom Cruise. Nag-iwas siya ng tingin at umatras, bago pa man mapansin nitong na admire siya ng todo sa gwapong mukha

