Part 3

591 Words
"Sumama kayo Miss sa barangay,isama nyo na rin si Bagnus para witness mo. Buti pa ang taong grasa matino, hindi katulad ng hayop na ito naturingang matino ang pag-iisip pero masahol pa sa baliw ang utak. Pusasan yang hayop na yan, dapat mabulok ka sa bilangguang hayop ka!" galit na pahayag ng Kapitan. Nagsampa ng kaso si Mendy, at agad na naipakulong ang lalaki. Simula noon naging mas naging maayos na ang pakikitungo ni Mendy sa taong grasang si Bagnus ngunit taliwas sa Ina nito. Mas lalong lumala pa nga kasi ang nasa utak nito, baka si Bagnus ay kasabwat daw nong lalaki. Hindi ito mapaliwanangan ng maayos ni Mendy. Kaya hinayaan nalang ito ng dalaga sa iisipin nito. Pero siya ginagawa niya ang lahat para matulungan ang lalaki, palagi niyang tinitiyak na may pagkain ito. Ang isa pang nakakatuwa dito ay sinusundan siya nito kapag papasok siya sa school at aalis lamang kapag nakasakay na siya ng jeep. Ganon din kapag uuwi sya, nakikita niya ito sa may babaan at hihintayin siyang maglakad habang nakasunod naman ito sa kanya. Natutuwa talaga siya dito, pero ewan ba niya kung bakit hindi talaga nito sinusunod ang utos niya ditong maligo. Pero nakakapagtaka dahil simula ng maging mas close sila hindi niya na ito naaamuyan na mabaho. Pero napakadungis pa rin talaga nito. Halos hindi nga niya makilala ito kasi nga palaging madumi ang mukha nito. Marami pa rin ang mga nang aalipusta dito pero isa sya sa iilang nagtitiwala sa taong grasang ito. "Hoy Mendy! Ano itong nababalitaan kong nakikita daw palagi ang sinto-sinto na yon na nakasunod sayo ha?! Baka may masamang balak sayo ang damuhong yon! Mapapatay ko talaga sya," galit na sabi ng kanyang Mama sa kanya. Napabuntunghininga siya. "Ma, ilang beses ko ba naman sa inyo sasabihin na mabait po si Bagnus. Totoo po na lagi syang nakasunod sakin pero natitiyak ko po na baka nag-aalala lang siya na may magtangka ulit saking masama kaya lagi syang sumusunod sakin," pangangatwiran niya. "Tigilan mo nga akong babae ka sa kagagahan mo! Taong grasa yon! Walang gagawing mabuti ang ganyang tao, kasi masahol pa sila sa hayop! Iwasan mo ang lalaking yan, kung hindi mananagot ka sa akin Mendy!" galit na sabi nito sa kanya, napabuntunghininga nalang siya at umakyat na sa taas. Kinagabihan... Medyo malalim na ang gabi bago magtungo si Bagnus sa tapat ng tindahan ni Aling Tyeding. Sinasadya na niya iyon para tulog na ang mag-iina. Isang beses kasi na medyo maaga siya nagtungo don, pinagtabuyan at hinabol pa siya ng itak ng matanda. Kakahiga pa lamang niya ng maaninag niya sa may tapat ng gate ng bahay nina Aling Tyeding ang tatlong kalalaking pilit na binibuksan ang gate. Bumangon siya. "Tang*na pre! Tadtarin natin ng saksak ang masungit na matandang Tyeding na yon ha. Puk*ng ina! Para umuutang lang ako ng Gin, kung ano-anong masamang salita na ang pinagsasabi sakin. Tsaka ung panganay na anak, ako ang unang titira don ha! Ganda pa naman non, matagal ko ng pinagpapantasyahan yon ei," sabi ng isang lalaki. "Oo kahit sayo na yon pre, akin naman yong bunso. Basta mapatay na natin yong tatlo, limasin na agad natin ang mga pera nila. Tapos kanya-kanya na muna tayo kapag napaghatian natin," sabi naman ng isa. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD