Third Person Feeling excited ay masayang nagpunta sa parking lot si Drix bago pa man matapos ang oras ng trabaho. Hindi na siya makapaghintay na makauwi dahil sa naghihintay niyang asawa na alam niyang nasasabik na din siyang makita dahil sa punishment na sinabi niya dito. Alam niya rin na alam na ni Monique kung anong klaseng parusa ang ipapataw niya dito kaya naman hindi niya mapigil mag-isip ng iba’t ibang paraan kung paano niya ito mapaparusan sa paraang pareho silang maliligayahan. Sumisipol sipol pa siya habang naglalakad palapit sa sasakyan at papasok na siya ng bigla na lamang may humampas sa kanyang ulo na naging dahilan upang mawalan siya ng malay. Panaka naka ay nagkakamalay siya ngunit hindi sapat upang makakilos siya ng maayos at nararamdaman lamang niya ang pag-andar ng sas

