Monique “Sign this,” ang sabi ni Drix. Nagulat ako ng ang aga ay aga ay mukha niya ang mapagbuksan ko ng pinto. “And what’s that?” ang tanong ko naman, “Kung babasahin mo ay malalaman mo rin,” ang sabi naman nito. “Tinatamad akong magbasa,” ang sagot ko na nakangisi. “O sige, pa autograph na lang.” ang sagot naman niya tapos ay kinuha ang kanyang cp at biglang nagsalita. “Ngayon ay nagpapa autograph ako kay Monique Antonio at mukhang ayaw niyang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang fan.” ang sabi pa nito na ikina ikot ng aking mata. ‘Anong kalokohan ito Drix?” ang tanong ko at ipinapakita kong nayayamot na ako at hindi ko nagugustuhan ang palabas niya. “Autograph nga, bakit masama ba?” ang tanong naman nito, sabay pasok na sa unit ko. Ang talipandas hindi man lang hinintay na papas

